Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, November 10, 2012

Robin: Nahihiya nga ako kay Kris! Bastos kasi talaga ako!



“FIESTA” na naman sa mga babae si Robin Padilla. Bukod nga kay Angel Locsin na kasama niya sa sitcom ng ABS tuwing Sabado ng gabi na Toda Max, meron pa siyang Kris Aquino at Anne Curtis sa bagong drama series ng Dos na Kailangan Ko’y Ikaw.

Para sa mga fans ni Binoe, ibang-iba raw ito sa mga nagawa na niyang teleserye, “Ay, drama, e.

Medyo mabigat, e,” paglalarawan ng action star.

“Nahihirapan nga ako, e! Ibang tao kasi ako doon.”

“Hindi siya action, drama siya.

Sumobrang mapagmahal ako doon, tapos nag-aagawan ang dalawang babae. Hindi ko kasi alam kung paano kasi ‘yung ganu’n, e.

Mabait ako, di ba? Hirap na hirap akong gampanan,” pahayag ni Binoe habang tumatawa.

At dahil pinag-aagawan nga siya rito nina Kris at Anne, pareho siyang may kissing scene at love scene sa dalawa niyang leading ladies, “Yung sa amin ni Anne, hindi pa nakukunan, pero sigurado na yun.

Kailangan ko pang humingi ng tip.

“Iba kasi, e. Iba ang paghalik ng action, sa drama, e.

‘Yun ang iniesplika sa akin, ‘Huwag, masyado ka namang aksyon yung halik mo.’

A, ganu’n pala yun?” dagdag pa ni Robin.

Nakunan na raw ang ilang halikan nila ni Kris, “A, oo, meron na.

Marami-rami na rin. Oo, e, nahihiya nga ako minsan kay Kris, e.

Hindi talaga ako sanay sa maginoong ano…bastos talaga ako, e!” natatawang sabi pa ni Binoe.

Di ba nagseselos si Mariel sa mga intimate scenes nila ni Tetay sa Kailangan Ko’y Ikaw? “A, si Mariel kasi ang klase ng asawang hindi issue ‘yan, e.

Siguro dahil artista rin siya. Ang lagi niyang ano, kung okey ako.

“Halimbawa, pag umuwi ako na medyo nakita niyang may pilay, doon, concerned yun.

Pero sa mga halikan, ayaw na lang niyang pag-usapan siguro.

Baka kasi kapag sinabi kong masarap, mabatukan pa ako!”



c/o BANDERA

No comments: