Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

RITZ AZUL Pinakabagong PAPAYA QUEEN!!!


ANG KAPATID star na si Ritz Azul ang latest among teens stars na sumabak bilang pabalat ng isang sexy magazine, at ito ay sa November issue ng FHM. Hindi nga raw nagdalawang-isip si Ritz, lalo na’t puwedeng-puwede naman daw siyang maging cover girl dahil na rin sa magandang katawan nito na tiyak na pagnanasahan ng mga kalalakihan.

At dahil nga sa sensual at daring na poses nito sa nasabing men’s mag, marami ang nakapansin sa kakaibang size ng kanyang hinaharap, kaya naman tinawag siyang makabagong Papaya Queen.

Puwedeng-puwede nga raw itong makipagsabayan sa mga bagong sex sirens sa bansa. Kaya naman daw sa magandang feedback ng pagiging cover girl ni Ritz, mas lalong dumami ang proyektong inaalok dito.

Isa nga si Ritz sa TV5 Prime Artist na talaga namang may magandang plano ang TV5. Kahit na nga katatapos pa lang ngArtista Academy at on-going naman ang The Amazing Race Philippines, paniguradong hindi mawawalan ng proyekto si Ritz na napanood last Sunday sa Game ‘N Go at nagpatikim ng kanyang kaseksihan.

Ito rin daw ang isa sa sa partner ni Derek Ramsay sa bagong serye ng TV 5 na Kidlat. Kaya naman daw marami ang nagsasabing baka ma-link ito kay Derek, na alam ng lahat na mahilig sa mga babaeng may malaking hinaharap katulad nito. ‘Yun na!




c/o Pinoy Parazzi

No comments: