Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

RITZ AZUL Ilang Araw Hindi Pinansin Nang INA, Dahil Sa Mga Sexy Pose Sa FHM!!!


BAGO mag-sign ng autograph si Ritz Azul ng TV5 para sa mga bumili ng copies ng November 2012 issue ng FHM last Saturday night, nagkwento muna ito kung paano natanggap ng kanyang conservative family ang kapangahasan niyang mag-pose ng sexy sa naturang mag.

Pangunahing tumutol ay ang kanyang ina sa pagpayag ni Ritz na mag-pose ng sexy na naka-two piece bikini na tanging ang kanyang private parts lang ang may saplot. Bale skimpy bikini outfit ang kanyang isinuot.

Hanggang ngayon, ayon kay Ritz, hindi pa rin tinitingnan ng kanyang ina ang mga sexy at daring photos niya sa FHM. Bukod-tanging ang cover lang ang nakikita nito. Ilang araw rin raw siyang ‘di kinibo nito.

Ang ama naman niya ay madaling natanggap ang kanyang pagpapaseksi sa kanyang FHM pictorial. Pinupuri pa nga raw siya nito. Bukambibig nito lagi-lagi ay talagang dalaga na at maipagmamalaki ang kanyang anak.

Hindi naman lahat ng babae ay biniyayaan ng kaseksihan at beauty ni Ritz. Kaya naman siya ngayon ang pinaka-busy at inaalagaan nang husto ng TV5 Artist Center.

Si Ritz ang binigyan ngayon ng malaking role bilang isa sa mga pangunahing leading ladies ni Derek Ramsay sa first big soap ng actor nang lumipat sa TV5 mula sa ABS-CBN, ang “Kidlat”. First rin ito kay Derek na lumabas bilang superhero sa isang action soap. Mapanonood ang Kidlat simula January 7, 2013.

Una pa namang isinabak si Ritz sa soap pagkatapos niyang lumaban sa reality talent search ng TV5, ang Star Factor, kung saan siya’y No. 4 over-all sa final day kung saan kinakitaan talaga siya ng potential para maging magaling na artista lalo pa’t uso ngayon sa mga pelikulang Pinoy ang mga sexy body ng mga artista kung saan kadalasa’y marital at extra marital affair ng mag-asawa ang tema.

Hindi lang face value ang panlaban ni Ritz nang una siyang isinabak ng TV5 sa soap na “Nagbabagang Apoy”. Aba! naitampok rin rito ang kanyang kaseksihan nang kunan ang wet look scenes nila ni Arci Munoz sa ilog. Kita na sa pagbabasa ni Ritz sa dalampasigan na may maipagmamalaking boobs siya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng vital statistic na 36-26-36.

Nahasa sa drama si Ritz nang nakasama niya bilang isa sa mga bida ng Glamorosa kung saan kasama niya sina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Sa bagong soap ng Kidlat, di pa alam ni Ritz kung may sexy scenes siya. Tomboyish ang kanyang role at nag-i-stunt siya rito kasama si Derek.

No comments: