Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

RICHARD GOMEZ at DAWN ZULUETA Magkakaroon Na Nang SUSUNOD Na PROYEKTO?!!


Kung magkakaroon ng magandang schedule ay payag si Dawn Zulueta na gumawa muli ng bagong proyekto kasama si Richard Gomez. Nagulat naman daw si Dawn dahil buo pa rin ang suporta ng kanilang mga tagahanga ni Richard sa kanilang tambalan. Sa nakaraang Walang Hanggan thanksgiving concert na naganap sa Smart Araneta Coliseum ay kitang-kita kung paano sinuportahan ng CharDawn Penguins ang kanilang mga idolo. Nakita umano nina Dawn Zulueta at Richard Gomez ang pagmamahal na ipinakita ng mga tao sa kanila at sa teleserye.

Gumamit pa ang mga CharDawn penguins ng concert light sticks para buohin ang pangalan ng nina Dawn at Richard para makita nila ito mula sa entalado. Aminado ang aktres an hindi niya inaasahan na magiging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanilang reunion ni Richard Gomez sa telebisyon. Ine-enjoy na rin daw nina Dawn Zulueta ang pagmamahal na ipinapakita ng kanilang mga tagahanga para sa kanilang tambalan. Ang huling proyekto na ginawa ng dalawa ay ang hit drama na Hihintayin Kita sa Langit sa ilalim ng direksyon ni Carlitos Siguion-Reyna noong 1991.

Naniniwala si Dawn na hindi na magiging problema sa kanila ni Richard ang kissing scene lalo na at kung kailangan naman ito sa kuwento. Sa kanilang katatapos na teleserye ay nagkaroon din ng nakakakilig na kissing scene ang dalawa. Sinusunod lamang daw nina Dawn Zulueta at Richard Gomez kung ano ang nais ng istorya ng proyekto. Nilinaw naman ni Dawn na ang pareho nilang mga asawa ni Richard ay naiintindihan ang kanilang mga trabaho. Suportado na raw noon ng asawa ng aktor na si Lucy Torres ang muling pagtatmbal ng asawa nito kay Dawn.

Matatandaang humiling ang mga fans nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ng kiss sa naganap na thanksgiving concert na pinaunalakan naman ng dalawa. Ngunit nang humingi uli ang mga ito ng second time ay tumanggi na ang aktres na halikan muli si Richard. Ito ay dahil gusto naman daw ni Dawn na respetuhin ang kaniyang asawa. Ilang taon na ang nakakaraan nang huling magtambal ang dalawa sa telebisyon ay hindi pa rin umano nawawala ang kakaibang chemistry ng dalawa kapag magkasama. Maging ang misis ni Richard Gomez ay aminadong tagahanga noon ng tambalan ng kaniyang asawa at ni Dawn Zulueta.

No comments: