Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 14, 2012

Rep.Sonny Angara Type si COCO MARTIN Na Gumanap Sa Kanyang LIFE STORY


Si Congressman Sonny Angara ang bagong endorser ng Blackwater Elite Cologne ng Ever Bilena.

Humarap kahapon sa entertainment press si Papa Sonny dahil ikinuwento niya ang mga reason kaya pumayag siya na maging endorser ng Blackwater Elite Cologne. Una, naniniwala siya sa produkto na ginagamit niya ng regular at pangalawa, affordable ang presyo as in mabibili ito ng masang Pilipino.

Kaibigan din ni Papa Sonny si Dioceldo Sy, ang big boss ng Ever Bilena. Hindi nahirapan si Papa Dioceldo na kausapin si Papa Sonny para maging endorser ng Black Elite Cologne.

Dahil mga member ng entertainment press ang kaharap niya, tinanong si Papa Sonny kung papayag ito na isalin sa telebisyon ang kanyang life story. Puwede ang sagot ng anak ni Sen. Ed Angara at kung siya ang masusunod, si Coco Martin ang type niya na mag-portray sa kanyang karakter.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: