Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

REGINE VELASQUEZ Niregaluhan Nang Engrandeng Bakasyon Ni OGIE ALCASID!!!


Bongga naman ang anniversary gift ni Ogie Alcasid kay Regine Velasquez. Pagkatapos ng “Silver” anniversary concert ni Regine on Nov. 16 sa SM MOA Arena, ilang days silang magbabakasyon ni Ogie sa Amanpulo. Mahalia Jackson (as in super mahal) doon. Wala na kasing material na bagay na maisip si Ogie iregalo sa kanyang wifey (wife) kaya sosyal na bakasyon sa Amanpulo ang gift niya.

Conducive for honeymooners ang naturang lugar kaya napapangiti na lang ang Alcasid coupie sa pagbibiro ng kanilang close friends na baka masundan na ang panganay nilang si Baby Nate.

Nag-one year old na ang bagets last Nov. 8. Isang children’s party ang ibinigay ng kanyang daddy Ogie at mommy Regine.

Kung si Regine lang talaga ang masusunod, gusto na niyang magkaroon ng kapatid si Baby Nate. Nagpatingin siya sa kanyang doktor at sinabihan siya na pwede pa naman siyang magbuntis mull. Ano’ng malay natin, baka made in Amanpulo ang second baby nila ni Ogie? Why not?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: