Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

REGINE VELASQUEZ at OGIE ALCASID Excited Na Sa KANILANG CONCERT!!!!

Parehong excited ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kanilang nalalapit na concert na pinamagatang Silver na magaganap sa Mall of Asia Arena ngayong November 16. Ayon sa mister ng Asia’s Songbird na si Ogie, hindi umano niya nakikitaan ng stress ang asawang si Regine sa naturang concert. Sa dinami-raming concert na ginawa ng asawa ay ito na umano ang natatanging concert na nahalata niyang relaxed na relaxed ang asawa. Naniniwala si Ogie Alcasid na maaaring ang pagiging ina ni Regine Velasquez ang naging dahilan kung bakit mas naging confident na ito sa kaniyang sarili.

Naniniwala naman si Regine na hindi niya kinakailangang ma-stress sa kanilang concert ni Ogie dahil maaaring ito umano ang maging dahilan kung bakit mawalan pa siya ng boses. Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng panganay na anak ng mag-asawa ang kauna-unahan nitong kaarawan. Ginanap ang kaarawan ni Nate sa Ayala Hillside clubhouse kung saan nakatira sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Ilang buwang pinaghandaan ng mag-asawa ang kasiyahang ito at nag-hire pa ng organizer.

Bagamat hindi pa ito maiintindihan ng kaniyang anak ay naniniwala si Regine na kinakailangang maging maganda ang espesyal na araw ng kanilang anak ni Ogie. Nabanggit naman ni Regine Velasquez na mayroon siyang number na idededicate sa kaniyang baby boy. Pakiramdam naman daw ng singer na matutuwa ang anak nila ni Ogie Alcasid dito dahil nakikinig daw talaga ang bata sa tuwing kumakanta ang kaniyang mommy. Natutuwa naman si Regine dahil alam niyang nakakaramdam na ng appreciation sa musika ang kanilang anak ni Ogie.

Aminado naman si Regine Velasquez na mas abala siyan gayon kesa sa kaniyang asawa na si Ogie Alcasid. Bukod kasi sa concert ay may regular taping pa ang Songbid sa Sarap Diva at sa showbiz program na H.O.T. TV. Pareho namang lumalabas ang mag-asawa sa variety show na Party Pilipinas. Sa tuwing walang trabaho si Ogie ay ito umano ang nagbabantay sa kanilang anak ni Regine sa kanilang tahanan. Masaya naman ang singer dahil nakikita niya na kung paano lumaki ang anak at nasasaksihan na ang pagbabago nito.

Ramdam naman daw ni Ogie Alcasid na gusto pa ni Regine Velasquez ng pangalawang anak ngunit pakiramdam nila ay mahihirapan na ito dahil na rin sa kaniyang edad. Kung pagpapalain naman daw sila ay hindi nila ito tatanggihan bilang mga magualng. Batang-bata pa naman daw ang uterus ni Regine ayon sa kaniyang doktor kung kaya hindi imposible na pwede pang masundan ang kanilang Baby Nate ni Ogie. Nagpasalamat naman ang singer-actress na bagamat hindi normal ang panganganak niya ay naka-recover agad siya dahil wala alaga naman daw niya ang kaniyang katawan. Kung hindi naman daw ito mangyari ay magiging masaya pa rin ang mag-asawa.

Matapos ang concert ng mag-asawa ay didiretso ang mga ito sa kanilang bakasyon. Plano umano nila na pumuntang Amanpulo at magiging bahagi na rin umano ito ng silver anniversary ng Asia’s Songbird sa showbiz. Hindi naman daw alam nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez kung doon na nila masusundan ang kanilang Baby Nate. Kung sakaling matuloy naman daw ang pangalawang pagbubuntis ni Regine ay umaasa si Ogie na hindi magiging mahirap para sa asawa ang pagbubuntis nito.

No comments: