Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

REGINE VELASQUEZ at OGIE ALCASID Kumita Nang 50k Sa Birthday Party Nang Anak Na Si NATE!!!


Super-block­buster ang first birthday party ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate, na ayon sa Songbird, nakalikom sila ng mahigit sa P50,000.00 na kanilang ibibigay sa charity. Humingi nga ng pasensya ang Songbird sa media dahil hindi sila naimbitahan sa okasyon ng anak.

“Pasensya! Alam mo naman ang asawa ko, ‘di ba? Miss Universe! So siyempre, ako ang nag-decide nu’n! Ha! Ha! Ha!

“As much as I would like to invite everybody, hindi ko naman talaga makakaya bilang maliit lang ang lugar. Tapos, dinecide na naming wala munang media kasi may mga bata. Siyempre, hindi naman lahat ng mga magulang type nila na mapiktyuran ang mga anak nila.

“Parang a little bit of respect. Para everybody to enjoy! Anyway, kung gusto nila ng picture, you, guys can always ask and we always naman give. So sabi namin, ‘yun na lang ang solus­yon para hindi na lang magulo.

“Mostly kasi friends lang and relatives (ang invited). Nu’ng una, med­yo kinakabahan ako kasi baka maging flop. Although kasi may pasok, Thursday. Saka sob­rang traffic kasi pa-Pasko na although alam kong maraming adult na pupunta. Mara­ming kaibigan ang asawa ko.

Gusto kasing mag-attend, ‘yung mga kids. Siyempre, it’s Nate’s birthday. It’s kiddie party. I prepared a lot of gifts for the kids.

“Hindi ko ini-expect na napakadaming bata! Ha! Ha! Ha! Happy ako. Talagang kinarir nila!” pahayag ni Regine nang makausap ng media sa Silver concert niya.

Boy Pick Up nga ang costume ng anak at invited si Sam Pinto bilang si Neneng at tagatanong ng “Bakit?” sa mga batang may handang pick up lines.

“May pik-up-an towards the end of the program. ‘Yung mga bata, prepared talaga sila! Tapos, invited si Sam para may taga-Bakit. Si Ogie, mascot naman ang drama! Pati si Boy Back Up nandoon. Kumpleto sila!” kuwento pa niya.

Isang electronic car ang pinakabonggang natanggap na regalo ng anak na bigay ng may-ari ng shades.

“We got it before Nate’s birthday. Ang laki ng box. Mas excited nga si Ogie at amazed siya nang binuksan niya. Inilagay niya si Nate. Eh, may remote…Mahilig kasi siya sa remote control cars. Ini­lagay niya si Nate sa car at siya ang magku-control. Eh, natatakot si Nate. Big­lang gumaganoon. Siyempre, natatakot si baby pero siya exci­ted na excited! Ayaw sumakay ni Nate.

“Hanggang after ng party ni Nate, ‘yun pa ring kotse… Kasi gusto niya ‘yung car. Then, finally, nakita ko siya sa isang sulok. Nandito kami sa kabilang side. Hindi namin siya nakikita. Bakit kaya tahimik ang asawa ko?

“Pag ganoon ko, nakasakay na siya doon sa car! Talagang pinipilit niyang…Siyempre, hindi siya kasya.

Pinipilit niyang pagkasyahin ang sarili niya! Ha! Ha! Ha! Ano ka ba? Kasi may pedal ‘yon na puwedeng siya mag-drive. Pinipilit niya tala­gang pagkasyahin ang paa niya! Tapos piniktyuran ko! Ang cute eh! Ha! Ha! Ha!” chika ni Reg sa kalokohan ng asawa.

Sa pera namang nalikom, pinag-uusapan pa nila ni Ogie kung alin sa limang charities na tinutulungan nila ibibigay ang pera.

“Bilin ko kasi na huwag na silang mag-gift ng toy! Magbigay sila kahit P500 or P1,500. ‘Yung ganoon lang,” saad niya.

Sa darating niyang concert, kahit ilang araw na lang at magaganap na ‘yon, ikinagulat din niya ang kawalan niya ng nerbiyos sa katawan.

“Ito lang yata ang concert na ito na hindi ako masyadong stressed! Kahit ‘yung February namin… I think ever since I became a mom, ‘yung focus and concentration is towards my son. Parang na-realize ko na kahit anong gawin ko, kung anong mangyari that day, ‘yun na ‘yon. So why stress?” katwiran ni Songbird.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: