Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

REGAL FILMS Iisa Lang Ang ENTRY Ngayong MMFF!!!


Parang Pasko na ang ambiance sa showbiz. Kahapon ay nagkaroon ng presscon ang Metro Manila Film Festival (MMFF) at nag-imbita ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng representative ng walong pelikulang kasali.

Kaya naman, hindi lang Pasko, kundi para ring fiesta ang nasabing event.

Wala nang nabago sa mga pelikulang kasali – The Strangers (Quantum Films) starring Enrique Gil, Enchong Dee, JM de Guzman and Julia Montes; Sa ‘Yong Sinapupunan (The Womb) (Center Stage Productions and Solar Entertainment) starring Bembol Rocco, Nora Aunor and Lovi Poe; Sisteraka (ABS-CBN Film Productions Inc. and Viva Communications Inc.) starring Vice Ganda and Kris Aquino (wala pa sa info sheet ng MMFF na bida na rin si AiAi delas Alas); One More Try (ABS-CBN Film Productions) starring Dingdong Dantes, Zanjoe Marrudo, Angel Locsin and Angelica Panganiban, Si Agimat; Si Enteng Kabisote at Ako (OctoArts Films, M-Zet Productions, Imus Productions, APT Ent., GMA Films) starring Vic Sotto, Bong Revilla and Judy Ann Santos; Sossy Problems (GMA Network Films) starring Roderick Paulate, Mikael Daez, Aljur Abrenica, Robert Arevalo, Solenn Heussaff, Maxene Maga­lona, Isabelle Daza and Bianca King and Shake, Rattle and Roll 14 (Regal Entertainment Inc.) starring Vhong Navarro, Dennis Trillo, Paulo Avelino, Herbert Bautista, Lovi Poe and Janice de Belen.

Iisa lang ang fantasy this year, ang Agimat at dalawa ang horror, Strangers and Shake.

At iisa lang din this year ang entry ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Meron namang five official entries sa New Wave section full-length kung saan ang mga kalahok na magwawagi ng P300,000 ay ang Ad Ignoratium nina Kristoffer King at Ina Feleo; Gayak nina Allan Paule at Sef Cadayona; In Nomine Matris nina Liza Dino at Biboy Ramirez; Paglaya sa Tanikala ni Matteo Guidicelli; at The Grave Bandits ng ’di kilalang sina Marti Sandino San Juan, Ronald Pacifico, at Jill Palencia.



c/o PHIL STAR

No comments: