Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

POKWANG SIKAT NA SIKAT SA AMERICA!!!


NAGKUWENTO ang isang Vilmanian friend namin na naka-base sa America na super sikat daw si Pokwang sa Filipino community roon. Sa concert show ng Star Magic ay hindi raw nagpapahuli si Pokwang sa rami ng mga tumitili at pumalakpak.

Katunayan, nanood ng concert na ‘yun ang buong pamilya ng aming kaibigan dahil kay Pokwang.

“Sobrang dami ng fans ni Pokwang dito. Karamihan sa mga kakilalala ko rito na nanood ng show, eh, gustong makalapit kay Pokwang para magpa-picture,” mensahe na ipinadala ng aming kaibigan.

Kahit may kamahalan daw ang tiket, marami pa rin ang nanonood ng Star Magic tour at isa raw sa mga dahilan ay kasama ang iniidolo nila sa pagpapatawa.

“Kay Pokwang pa lang, eh, buhay na buhay na ang show. Hindi corny ang mga jokes niya kaya marami talaga sa mga kababayan natin dito ang aliw na aliw kay Pokwang,” dagdag pa ng aming source.

Samantala, nominado sa Star Awards for TV si Pokwang. Gaganapin ang awards night sa Erwin Lee Theatre sa Ateneo sa November 18 at mapapanood ito over ABS-BN sa Nov. 25 ng gabi.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: