Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

PNoy COCO MARTIN, At STREETBOYS Gustong i-GUEST Nina ANGEL LOCSIN, VHONG NAVARRO at ROBIN PADILLA Sa TODA MAX!!!


SA presscon para sa first anniversary celebrations ng Toda Max, mabilis ang sagot nina Angel Locsin, Vhong Navarro, at Robin Padilla nang tanungin kung sino ang pangarap nilang mag-guest sa programa nila: si Presidente Noynoy Aquino, si Coco Martin at ang Streetboys.

Gusto ni Robin si PNoy dahil, “Ang Toda Max kasi ay tungkol sa mga buhay ng mga Pilipino, mas maraming madidirektang problema ng mga Pilipino kung magiging guest namin siya sa Toda Max.

“At hindi siguro imposible kasi nu’ng nanalo si (US President) Barrack Obama, nag-guest din siya sa mga show (sa Amerika) at palagay ko malaking medium ang Toda Max dahil maraming nanonood ng Toda Max na laging nagsasabing, ‘uy, ganyan ang buhay namin, ganyan din ang problema’. Kaya sana isang araw, mapagbigyan din kami ni PNoy.”

Hindi ba niya ito binabanggit sa bunsong kapatid ng Presidente na si Kris Aquino na kasama naman niya sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw?

“Ah, huwag na nating banggitin kay Kris ‘yan! Sa inyo (entertainment media) na lang, isulat na lang ninyo, baka sakaling mabasa. Saka baka kay Kris pa lang hindi na pumayag ‘yun.

“Sa inyo, isang magandang exposure ‘yun na malaman niya, first hand information,” katwiran ng aktor.

Hayan, Bossing DMB, since may direct line ka naman, baka puwede mong banggitin na rin ang kahilingan ni Robin kay PNoy?

(Ha? Anong direct line? ‘Wag mo akong sinisiraan, Reggee Bonoan! –DMB)

Gusto naman ni Angel si Coco, “Kasi si Coco sa drama siya, so parang I find it interesting kapag naging guest namin siya. Exciting kapag nakita natin siyang gumagawa ng comedy, kung paano niya gagawin ‘yung character niya. So naisip ko siya na ayaw niyang mag sitcom.”

Si Vhong naman, “Ako po medyo malabo, pero napakasimple lang, Streetboys po, reunion. Kasi po iba-iba na ang lugar nila kung nasaan sila ngayon, so para mabuo namin, eh, napakaimposible, pero I think maaari. Kaya Toda Max, kayang gawin ‘yan.”

Samantala, sinulat namin kamakailan na natutuwa ang aktor na nakaisang taon na ang Toda Max at humaba na ang oras nila (ang 12 sequences nila per taping ay umabot na sa 16 sequences, mas mahabang trabaho), pero wala naman daw dagdag sa talent fee. Kaya sana raw dagdagan sila.

Binanggit namin ito sa business unit head ng programa na si Mr. Raymund Dizon na natawa.

“Talaga, sinabi po ni Binoe? Ha-ha-ha, pakisabi na lang po, natawa kami,” sabi niya.

Ibig sabihin, walang dagdag na talent fee?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: