Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

PIOLO PASCUAL Nalaos Dahil Kina COCO MARTIN, GERALD ANDERSON at JOHN LLOYD CRUZ!!!


SOBRANG MALAMLAM talaga ngayonang dating ng showbiz career ni Piolo Pascual, dahil matagal na rin kasi siyang walang malalaking proyekto na maipagmamalaki. Normal lang naman siyempre ‘yan sa sitwasyon ng mga artista, dahil kahit naman sina Nora Aunor, Vilma Santos, sina yumaong Mang Dolphy, FPJ, Rudy Fernandez o maging siRobin Padilla ngayon ay dumadaan din sa sitwasyon na parang mababa ang dating ng showbiz career.

Mas nauna sina Nora, Vilma at Robin kaysa kay Piolo, pero paulit-ulit silang nakakabawi. Pero ang mga kakontra ni Piolo ay para bang ang saya-saya sa mga nangyayari na down ngayon ang career ng guwapong actor. Ang positibo lang sa ugali ni Piolo, nananahimik lang talaga siya sa kabila ng maraming batikos sa kanya. Marami pa kasi siyang pinagkakaabala-hang trabaho sa labas ng showbiz, na hindisiyempre alam ng mga nagwi-wish na bumagsak siyang talaga.

Nalulungkot lang si Piolo, dahil pati kay Coco Martin ay isinasabong siya ngayon. Samantalang kahit kay John Lloyd Cruz na mabangung-mabango ngayon ang pangalan sa bakuran ng ABSC-CBN at Star Cinema, ay hindi siya nagkaroon ng problema o inggit dahil alam naman niya kung saan siya naka-lugar, at alam din naman niya kung saan na nakara-ting ang kasikatan niya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: