Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

PIOLO PASCUAL Na Challenge Sa Bago Niyang Role!!!


Walang kapartner si Piolo Pascual sa “24/7 in Love” at ang mga bagets na sina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla ang mga kasama niya. Isang 35-year-old mentally challenged man na nakatira sa isang orphanage ang role ni Piolo. Aniya, this is his most challenging role to date.

“Akalain mo ba namang at my age, gaganap ako na 7 years old (laughs). I level with Xyriel and Zaijan. Nakikipagkulitan ako sa set. Mas madali kasi walang worries, eh. Bata kasi, walang problema, so naisip ko habang nagsu-shoot ako, sabi ko, ‘Sarap pala maging bata uli kasi wala kang iniisip na problema. Trabaho ka lang, acting ka lang. Ganu’n lang kasimple.”

Ayon kay Piolo, hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang role dahil gusto niyang maging bahagi ng “24/7 in Love” in celebration of Star Magic’s 20th anniversary.

“Bilang magkakapatid sa Star Magic, we wanna be able to have more fun and it’s not always about work. So, we look forward to this. It’s anticipated because magkakasama kami. So, nu’ng prinisent sa akin ang project, I did not think twice about accepting it.”

Kasama ni Piolo sa “24/7 in Love” na tampok sa iba’t ibang kuwento ng pag-ibig sina John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Maja Salvador, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Kim Chiu,Gerald Anderson, Sam Milby, Pokwang, Daniel Padilla, Kathyrn Bernardo, with John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Jason Francisco, Andrei Felix, etc. The movie is directed by Mae Cruz, Dado Lumibao, John- D Lazatin, and Frasco Mortiz. Showing on Nov. 21 sa mga sinehan nationwide.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: