Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

PIOLO PASCUAL AYAW PATULAN ANG PATUTSADA NI SHARN CUNETA!!!


AYAW nang patulan ng star ng Star Cinema movie na “24/7 In Love” na si Piolo Pascual ang mga patutsada sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta. Kung tutuusin, nakalalalaki na ang mga banat ni Megastar rito kay Papa P pero nanatiling nakatikom ang bibig ng gwapong aktor.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ni Megastar at Papa P dahil kay KC concepcion na dating girlfriend ni Piolo. May mga pinalabas kasi ang kampo ni KC na ang pinag-ugatan raw nito ay noong ma-’caught in the act’ ni Ms. Concepcion sa kwarto supposedly ng aktor ang isang lalaki na lumabas sa mga blind item na isa umanong mang-aawit?

Balikan natin ang nasabing mga banat at patutsada ni Ms. Sharon kay Papa Piolo. Sa totoo lang, sobrang personal talaga.

Idagdag pa rito ang akusasyon ng singer/actress na mga fans taw ni Papa P ang nagtu-tweet sa kanya ng masasama pero kahit kailan, hindi pa naman ito napatutunayan ng Megastar.

May mga sinasabi pa si Ate Shawie at banta na may papasabugin raw siya sa personal na aktibidad ni Piolo kapag hindi siya tinigilan ng mga fans nito sa pagtu-tweet ng masasama.

Sa totoo lang, ano ba tong bomba na sinasabi ni Ms. Sharon na kanyang pasasabugin laban kay Piolo at gaano ba kapersonal ang pagkakikilala nito sa pagkatao ng aktor?

Sa isang panayam sinabi ni Piolo na wala siyang alam sa mga nasabing pagtu-tweet na mga fans kay Ate Shawie. As of presstime, kanyang mineeting na raw ang kanyang mga tagahanga at isa-isang kinausap ang mga ito at inimbestigahan ukol sa akusasyon ni Ms. Sharon Cuneta tungkol sa mga nagpapadala sa kanyang Twitter account na may kasamang panlalait.

Siyempre, nakaaalarma naman ang mga ganitong akusasyon ng mega-actress lalo na’t pumasok na sa eksena si Sen. Kiko Pangilinan at nagbanta itong ipakukulong ang mga tagahanga ng aktor kapag hindi pa rin raw tinantanan ang kanyang misis.

Sana maayos na ang gusot na ito at magtapos sa paupong usapan. Kahit kailan naman kasi, never na sumagot si Papa P sa mga akusasyon ni Mega. Pinatunayan lamang ng gwapong aktor ang kanyang pagiging gentleman, tama lang na manahimik siya at wag ng patulan ang nabanggit na issue.

At any rate, willing naman raw itong makipag-ayos sa kampo ni Ate Shawie, partikular na kay KC Concepcion, kung meron mang dapat ayusin sa pagitan nilang dalawa.

Itinanggi rin ng aktor ang mga nasusulat lately na nai-insecure raw siya ngayon kay Coco Martin lalo’t naka-focus ang attensyon ngayon ng ABS-CBN sa young actor.

Ano kaya’ng sikreto ni Coco at lahat raw yata ng magagandang proyekto sa nasabing network ay nasalo yata niyang lahat?

Whatever, diretsong sinabi ni Papa P sa aming panayam na never na mai-insecure siya kay Coco dahil pare-pareho lang ang tingin sa kanila ng mga excecutive sa ABS-CBN.

No comments: