Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

PELIKULA Nina ERICH GONZALES at MARIO MAURER Binili nang US, THAILAND at CAMBODIA.. INDONISIA Susunod Na!!!


PALAISIPAN sa mga katoto kung kumita ang pelikulang Suddenly It’s Magic. Nasanay na raw kasi sila na may nagte-text mula sa Star Cinema ng, “Congratulations to so-and-so film, super lakas and it’s still showing in more than 150 theaters nationwide atsu-tsu-tsu.“

Pero wala silang natanggap na ganito habang palabas ang Suddenly It’s Magic.

Sabi namin, baka nagbakasyon lang ang taga-text. Pero ang mabilis na sundot sa amin ng mataray na katoto, “Naku, I’m sure Suddenly It’s Flop `yan.“

Hindi pa namin napapanood ang pelikula nina Mario Maurer a Erich Gonzales pero naniniwala kami sa sagot ng ABS-CBN exec na pinagtanungan namin dahi maraming Pinoy fans ang Tha superstar.

“Kumita at maganda naman ang movie,” sagot ng bossing ng Dos.

“Siyempre, medyo hirap lang kasi naunahan ng The Mistress na P300M ang kinita kaya nakukumpara. Magkaiba naman ‘yun.

“Ang magandang balita, binili ng Thailand, USA, Cambodia at soon Indonesia ang pelikula, so kitang-kita na ang Star Cinema, di ba? Kaya hindi totoo ‘yang mga intrigang hindi kumita. Baka nga mas malaki pa ang balik nito kaysa sa ibang pelikula ng Star Cinema, eh.”

Anu-anong pelikula ang posibleng maungusan ng Suddenly It’s Magic?

“Naku, huwag na, ‘yan ang pakiramdaman ninyo. Di ba kayong mga press ang magaling sa ganyan? Kung ano ‘yung hindi gaanong pinag-usapan, eh, di ‘yun na,” sabi sa amin.

No comments: