Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

PAOLO CONTIS at GLADYS GUEVARRA NAG AAWAY NA DAHIL SAPASABOG NI LIAN PAZ!!!


PUMUTAK si Gladys Guevarra pagkatapos magpa-interview ni Paolo Contis sa Startalk kaugnay sa mga huling sinabi ni Lian Paz sa HOT TV.

Nadamay ang pangalan ng komedyana nang binanggit ni Lian na ang isa sa nag-trigger sa kanya kaya siya nagsalita uli ay nang tinawagan siya ni Gladys.

Hindi dinetalye ni Lian kung ano ang mga ikinuwento ni Gladys sa kanya pero naungkat 'yung mga isyung malakas na gastos ni Paolo pati ang pagre-rent ng limousine noong nasa Las Vegas, Nevada sila.

Nagpasaring si Paolo sa mga itinuturing niyang kaibigan na nagsusulsol kay Lian, gayong nakinabang sila sa mga gastos niya noon.

Ang duda ng karamihan, si Gladys ang isa sa tinutukoy ng patutsada ni Paolo.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Gla­dys, mahaba ang tweet niya bilang reaksyon sa mga nangyari lalo na sa mga huling pahayag ni Paolo.

Bahagi ng tweet ni Gladys, "Kung may mga kabalbalan kayo, siguraduhin n'yo sino ang salarin. 'Wag nagbibitaw ng pangalan basta basta! Kapal!

"Yan ang hirap sa mga taong nasa kumunoy eh, tawag sa yo HANAP DAMAY! Kapal ng mukha mo!

"I-interviewhin ako ng Startalk nu'ng isang linggo, hindi ako nagpa-interview, bilang gulo n'yo yan at iba ang itinawag ko! Wala kong paki sa mga ka-cheapan ng buhay n'yo!

"Ang sobrang payapa ng buhay ko, 'wag n'yo 'ko isali sa labo ng mundo n'yo!

"Yun na nga nakakairita eh, sana alam nila totoo para mawindang at sa mukha nila sumabog mga kawalanyaan nila."

Obviously galit na galit si Gladys sa mga tweet nito. At lalo itong nagalit pagkatapos magsalita ni Paolo.

Maaaring si Paolo ang tinutukoy niyang "hanap damay".

Hindi rin naman namin masisisi kung bakit nag-react ng ganu'n si Gladys.

In fairness sa kanya, nang sinadya ito ng Startalk para kapanayamin, tumanggi ito dahil wala raw siyang isinumbong kay Lian kundi nagtanong lang daw tungkol sa events na dating hina-handle ng dating EB Babes member.

Kaya lang, nagtataka kami… Bakit binanggit pa rin siya ni Lian? Sana, linawin nilang dalawa kung tungkol lang ba sa events ang pinag-usapan nila.

Wala ba talaga silang pinag-usapan sa problema ng mag-asawa? As in wala?

Hindi ko kayang ipagtanggol si Paolo kung ta­lagang may nagawa siyang kasalanan.

Pero dahil madalas namin itong pinag-uusapan, may mga sinabi siya tungkol sa gulong ito.

In fairness sa kanya, sinasabi pa rin niya sa aming hindi pa raw siya ganu'n kakumbinsido kung si Gladys ang isa sa nagsusulsol kay Lian.

May ilan kaming pag-uusap na hindi puwedeng isulat dahil mas maraming madadamay.

Pero may binanggit siyang ilang kaibigan niyang naniniwala siyang sila ang nagsusulsol, pero wala roon si Gladys sa mga sinabi niya sa amin.

Ayaw na lang magsalita pa ni Paolo para sagutin ito. Gusto na raw niyang manahimik, kaya huli na raw iyung mga sinabi niya sa Startalk nu'ng Sabado.

No comments: