Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

PAOLO CONTIS Handang Pumatl Sa BAKLA.. MABAYARAN lang Ang Mga UTANG Nito.

SA telepono binraso ni Lolit Solis ang kanyang alagang si Paolo Contis para mapapayag itong mag-guest nang live sa nakaraang episode ng Startalk. Ito’y paglilinaw na rin sa mga binitiwang alegasyon ng estranged wife nitong si Lian Paz sa isang hodgepodge show the previous Sunday.

Lolit’s “sales pitch” included a promise that no less than her co-host Joey de Leon would handle the interview, bukod pa sa pagsagot sa mga tanong na komportable lang sagutin ni Paolo.

Isa kasi sa mga paratang ni Lian ay ang positibo nitong pagtukoy ng umano’y third party on Paolo’s part as one of the major reasons for their separation. “Ateng” was how Lian addressed the woman who allegedly tore their marriage apart.

In the course of their phone onversation, isa ito sa mga nilinaw ni Lolit kay Paolo, ”Bakit sinasabi ni Lian na may third party daw?” Sagot ni Paolo, ”’Nay, kahit sino pa ‘yan, babae man o bakla, papatulan ko na basta mayaman at babayaran ang lahat ng mga utang ko!”

When finally he arrived at the Startalk studio, tinanong namin si Paolo kung sino ‘yung “Ateng” na tinutukoy ni Lian. Sagot nito, ”Baka si Rams David (dating may mataas na posisyon sa GMA),” sabay ngisi.

Nang interbyuhin na ni JDL, ang naging parting shots ni Paolo ay ang pag-asang magkakausap sila ng kanyang asawa, putting a stop to all these on-camera interviews for the sake of their two kids. Sa tono rin ng pananalita ni Paolo, we saw not a slightest sign na gusto niyang makipagbalikan kay Lian.

No comments: