Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

Pamilya EJERCITO Hindi Pabor Kay ANDI EIGENMANN?!!



PAMILYA EJERCITO hindi raw pabor kay Andi Eigenmann. Ayon sa ating source, noon pa man daw ay hindi raw boto ang mga magulang ni Jake Ejercito sa pakikipagrelasyon nito kay Andi. Dahil feeling ng angkan, hindi na “buo” ang pagkatao ng aktres matapos na ito ay maanakan ng aktor na si Albie CasiƱo.

Kung paniniwalaan ang tsika, pinapayagan lang daw ng Pamilya Ejercito si Jake na makasama si Andi bilang girlfriend at hindi bilang magiging asawa in the near future.

“Unfair naman ‘yun kay Andi, dahil hindi naman ginusto nu’ng tao na maging dalagang ina siya. And besides, kung talagang mahal ni Jake si Andi, dapat hindi siya magpapadala sa mga sinasabi ng kanyang pamilya. Parang ang linis-linis naman nila,” sabi ng aming source.

Sa kabilang banda, hindi rin naman apektado si Andi sa isyung hindi boto sa kanya ang pamilya ni Jake. Dahil una at higit sa lahat, ayaw daw i-entertainin ng aktres ang mga ganitong intriga dahil feeling niya ay hindi siya maggo-grow as a person sa mga ganitong tsismis.


c/o Pinoy Parazzi

No comments: