Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

NAY - 1 - 1 Nina JAYA at GLADYS REYES Ibabanga Sa Reyna Nang UMAGA na Si KRIS AQUINO!!!


Ang Kris TV ni Kris Aquino ang makakatapat ng Nay-1-1, ang morning show nina Gladys Reyes at Jaya Ramsey sa GMA 7 na magsisimula sa November 12.

Ayaw isipin ng dalawa na tapatan ng mga programa ang mangyayari sa Lunes dahil mas mahalaga sa kanila ang makatulong sa paglutas sa mga problema ng mga nanay.

Hindi rin ang mataas na rating ng Nay-1-1 ang concern nina Jaya at Gladys dahil mas gusto nila na mapanood ng mga tao ang isang klase ng bagong TV show. Gagamitin ng mga host ang social media sa pagtulong sa mga nanay na itinuturing na mga ilaw ng tahanan.

Proper time management ang sikreto ni Gladys Reyes kaya nagagampanan niya ang lahat ng tungkulin bilang asawa, ina, aktres, TV host at MTRCB board member. Two years old na ang bunsong anak nina Christopher Roxas at Gladys.

Hanggang ngayon, bini-breastfeed pa rin ni Gladys ang anak kaya nakakaalis lamang siya ng bahay matapos padedehin ang bata.

Kung hindi kami nagkakamali, ang Nay-1-1 ang third TV show ni Gladys dahil napapanood ito sa Enchanted Garden ng TV5 at sa MOMents ng Net25. Bilang board member ng MTRCB, required si Gladys na mag-report ng regular sa MTRCB office.

Sa sipag ni Gladys, walang magpoprotesta kung sakaling mapili siya bilang Mother of the Year sa mga susunod na taon dahil sa kabila ng maraming trabaho, hindi niya nakakalimutan ang kanyang mga obligasyon bilang ina at asawa.

No comments: