Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

NANAY Ni ANGELICA PANGANIBAN MINURA Ni DEREK RAMSAY??!!

Hindi naman kapanipaniwalang minura diumano ni Derek Ramsay ang mommy ni Angelica Panganiban. Edukado, may breeding at mula sa respetadong pamilya si Derek. Bakit naman niya mumurahin ang mommy ni Angelica? Ano’ng isyu?

Knowing Angelica, tiyak na hindi niya palalampasin kung totoong ginawa ‘yun ni Derek sa kanyang mommy. Palaban at girera rin ang aktres.

Hindi masisisi ang aktor kung napipikon na siya sa kanyang twitter bashers,kaya nakakapag-komento siya para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Hanggang ngayon, isyu pa rin ang paglipat ni Derek sa TV5. Na kesyo, lumamig na ang kanyang career.

Pero ayon kay Derek, right decision ang paglipat niya sa Kapatid Network. He’s happy at no regrets siya dahil gusto niya ang mga ginagawa niyang project. Bukod sa host ng “The Amazing Race, Philippines,” magsisimula na rin si Derek sa isang superhero series, “Kidlat “ na si Mike Tuviera ang direktor.

c/o TEMPO

No comments: