Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 4, 2012

Mr. POGI Hunks Kulang Sa LANDI?!!


ANG suwerte ng Mr. Pogi 2012 finalists dahil me­ron silang career sa Eat Bulaga.

Halos araw-araw ay napapanood sa longest-running noontime show ang Mr. Pogi 2012 winner na si John Edric Ulang at ang 11 pang grand finalists.

Nu’ng Sabado night ay nag-show ang mga Mr. Pogi kasama ang D’Kilabots na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa Zirkoh-Morato.

In fairness ay dumagsa ang fans ng mga Mr. Pogi nu’ng gabing ‘yon. Sina Jose at Wally ay very supportive sa mga boys at tinuruan pa nila ang mga ito kung anong mga dapat gawin kapag nagla-live show.

Hinati sa dalawang grupo ang 11 finalists. Ang Mr. Pogi Heartthrobs (binubuo nina Bob Jbeili, CJ Almazar, Bonz Militar, Derick Lim at Jaylord Casiño) ay nag-sing ng Live While We’re Young ng One Direction.

Medyo kulang pa sila sa showmanship. Mas maganda kung meron silang dance choreography na sabay-sabay sila kesa kanya-kanya sila ng galaw sa entablado.

Super-dance naman ang Mr. Pogi Hunks (Rommel Galido, John Paul Duray, Akeem Aldover, Bryann Jaofrancia, Roehl Mendoza at Kelvin Engles) ng Gangnam Style.

Mas okey ang performance ng second group, medyo kulang lang sila sa ‘landi’ sa audience.

Ang susuwerte nu’ng girls na pinaakyat sa audience dahil hinarut-harot ng mga ito ang mga Mr. Pogi.

May kanya-kanyang bet ang mga girlash at beki sa 11 boys, na in fairness ay may sarili silang kapogian at sex appeal.

Ang 21-anyos na Mr. Pogi 2012 title-holder na si John Edric ay may solo song number. Impressive ang boses ng Binangonan boy, na kering-keri ang pagbirit ng Too Much Love Will Kill You at Faithfully.

Mukhang sanay na sanay nang mag-show si John Edric. Kampante siya sa stage at parang wala siyang kaba. Advantage niya ang kanyang magandang singing voice.

Naki-bonding pa sa amin after the show ang mga Mr. Pogi kaya natuwa ang mga kaibigang Dondon Sermino, Jun Nardo at Joe Barrameda, pati na si Lito Alejandria.

May sarili na silang fans ang boys at kung magtitiyaga sila ay puwede silang may mara­ting sa showbiz.

Kung papogian din lang ay mas may itsura sila kumpara sa mga produkto ng mga reality search sa telebisyon.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: