Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

MOMMY Ni ANGELICA PANGANIBAN Botong Boto Kay JOHN LLOYD CRUZ!!!


Ngayong Sabado na mapapanood sa Banana Split ang naging surprise guesting ni John Lloyd Cruz sa birthday celebration ni Angelica Panganiban. Nai-tape na ang Banana Split ilang araw pa bago ang actual birthday ni Angelica.

Hindi naman itinatanggi ni Angelica na sa lahat ng shows o kahit na isama pa ang mga nakaraang shows niya sa ABS-CBN, ang Banana Split talaga ang pinakamalapit sa puso niya.

Very close si Angelica sa Banana Split cast and staff.

In fact, noong akala niya na may gustong sabihin sa kanya si Mama Bear (Cynthia Jordan), akala ni Angelica ay matsu-tsugi na ang Banana Split kung kaya’t kakausapin pa lang daw siya ay umiyak na siya.

Napanood namin nang i-tape ang naturang episode at talaga namang umagos ang luha ni Angel na bukod sa cast ng Banana Split na nagbigay ng kanya-kanyang message for Angel, may sorpresang video pa kay Angelica ang director ng show na si Direk Bobot Mortiz na kung saan, pati si John Lloyd ay na-surprise.

Nandoon din sa audience ang mommy ni Angel na si Mommy Annabelle na walang-dudang boto sa boyfriend ng anak ngayon. Nakuha naming kamustahin ito kung ano ang masasabi na si John Lloyd na nga ang boyfriend ng anak.

Sabi ni Mommy Annabelle, “Okay sa akin kasi, kilala ko naman na ang pamilya ni John Lloyd, dati pa, nakakasama ko na. Masaya si Angel ngayon. Kung saan masaya ang anak ko. Ang nangyari sa kanya, talagang napagod na.”

This Saturday night na sa ABS-CBN mapapanood ang unang guesting na magkasama ang dalawa at dito rin makikita kung gaano ka-in-love sa isa’t isa sina John Lloyd at Angelica ngayon, huh!

No comments: