Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, November 10, 2012

Mommy DIVINE Natuwa Sa Pag Babalikan Nina KIM CHUI at GERALD ANDERSON??!!


IKATUTUWA kaya ni Mommy Divine, ang nanay ni Sarah Geronimo, ang pagbabalikan nina Kim Chiu at Gerald Anderson? Sa wakas mawawala na rin ang sakit ng kanyang ulo sa bantay-saradong ginagawa nito kay Sarah huwag lang malapitan ng aktor.

Ang kaso mo, sa pelikulang “24/7 In Love”, isang higanteng proyekto na handog ng Star Cinema para sa ika-20th Anniversary ng Star Magic lamang nagkabalikan ang dalawa sa episode na “Underwear Hero”.

Sa una, nagkailangan daw ang dalawa dahil ang last project nila ay noon pang 2010 sa movie na “Till My Heartaches End”, ngunit habang tumatagal sila sa shooting ay tila bumabalik naman ang dati nilang feelings sa isa’t isa.

“Two years ago pa ‘yung huling movie namin ni Kim, tapos nun nagkatrabaho ulit kami, parang bumabalik ‘yung mga dating memories, ‘yung mga alaala at kahit 2 years kaming hindi nagkasama sa shooting, parang yung first day pa lang, kilala na talaga namin ang isa’t isa, kaya sobrang komportable kami agad,” sabi ni Gerald.

“Sa ‘min kasi ni Gerald, 4 years na kaming laging magka-loveteam, tapos nung sumalang na kami at umarte na kami sa harap ng camera, ganon pa rin parang gamay na namin ang isa’t isa. Hindi na kami nag ‘sino kaya gaganito’ or ‘sino kaya maggaganito,’ parang natural na. Parang okay, maganda yung flow nung umarte kami. Kaya nagulat ako na, ‘ay oo naaalala niya pa rin, naaalala ko pa rin,’” ayon naman kay Kim.JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: