Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

MIGUEL TANFELIX Mas Mabilis Kay Sa Kay DERRICK MONASTERIO!!!


Ang bilis ng bagets na si Miguel Tan Felix dahil nakakailang linggo pa lang ng taping ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa, ay niligawan na agad nito ang bida ng fantaserye na si Barbie Forteza. Very open ito sa paghanga sa dalagita at sa presscon pa lang, inamin nitong crush niya si Barbie.
Sa taping ni Barbie ng Magpakailanman, bumisita si Miguel na may dalang cake na para kay Barbie. Siyempre pa, natukso ang dalawa, pero parang tuwang-tuwa pa ang binatilyo na marami ang nakaaalam na nililigawan niya si Barbie.
Ano kaya ang masasabi rito ni Derrick Monasterio na unang nagpahayag ng paghanga kay Barbie? Saka, siya ang leading man ng young actress, pero mas marami ang balita at nasusulat kay Miguel. ‘Pag nagdedmahan ang dalawa, alam na natin kung bakit!
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: