Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

MELISSA RICKS Tanggap Nang PAMILYA Ni PAUL JAKE CASTILLO!!!!

Ramdam na ramdam daw ni Melissa Ricks ang mainit na pagtanggap ng pamilya ni Paul Jake Castillo nang sumama siya sa boyfriend sa pagpunta sa kasal ng kapatid nito sa Cebu. Kapag nagkaroon umano ng pagkakataon ay maaaring maipakilala ni Melissa ang nobyo kasama ang ina nito sa pamilya ng aktres sa US ngayong November. Agad namang itinanggi ni Melissa Ricks na magsisilbi na itong pamamanhikan. Ang pagpapakasal umano nila ni Paul Jake ay malayo pa sa kanilang plano kung kaya magsisilbing pagbisita lamang ito ng binata sa pamilya ng aktres. Magkasama umanong pupunta ang dalaga at si Paul Jake Castillo kasama ang ina nito sa Amerika.

Kitang-kita naman sa magkasintahan na enjoy na enjoy ito na kasama ang isa’t-isa. Halata rin ang mga sweet na mensahe ng dalawa sa isa’t-isa gamit ang kani-kanilang mga Twitter account. Ibinahagi rin ni Melissa Ricks sa kaniyang mga tagahanga ang mga litrato nila ng nobyo sa kanilang mga byahe. Aminado ang dalaga na ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang alagang-alaga siya ni Paul Jake. Hangang-hanga naman ang dalaga sa pagiging maaalalahanin ni Paul Jake Castillo sa kaniya kung kaya pakiramdam niya ay spoiled siya sa binata.

Ang mahalaga umano ngayon para kay Melissa Ricks ay pareho silang masaya ng binata sa kanilang relasyon kahit pa ilang buwan pa lamang ito. Kung sakali naman daw mag-propose si Paul Jake ay hindi pa rin alam ng dalaga kung ano ang kaniyang magiging reaksyon. Ayaw namand aw kasing isipin ni Melissa ang ganitong usapin dahil mas mahalaga umano ay hindi sila nagmamadali ng boyfriend pagdating dito dahil pareho pa silang abala sa kanilang mga trabaho. Sapat naraw para kay Melissa Ricks ang gawin nila ni Paul Jake Castillo ang mga makakapagpasaya sa kanila.

No comments: