Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

Melai Cantiveros, ayaw nang balikan pa si Jason Francisco


Kaibigan na lamang daw ang turing ngayon ni Melai Cantiveros sa dati nitong nobyo na si Jason Francisco. Kung sakali naman daw magkabalikan sina Mela at Jason ay hindi naman daw nila ito ililihim sa mga tao. Ayon pa kay Melai Cantiveros, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pakikipagbalikan pa kay Jason Francisco ngayong hiwalay na sila. Hindi naman daw sinasabi ng dalaga na wala ng pag-asa na magkaroon muli sila ng relasyon ng komedyante pero mas mabuti umano kung manatili na muna silang magkaibigan ngayon.

Kinumpirma rin ni Melai na wala siyang manliligaw ngayon at hindi naman daw siguro siya liligawan dahil alam ng mga tao na kakahiwalay lamang nila ni Jason. Bagamat matagal ng hiwalay ang dalawa ay naniniwala naman si Melai Cantiveros na kinakailangan ng sapat na oras para humilom ang sugat ng kaniyang puso. Kasabay ng kanilang hiwalayan ni Jason Francisco ay ang pag-alis ng binata sa gag show na Banana Split kung saan sila magkasama sa trabaho.

Wala namang problema para kay Melai kung sakaling bumalik si Jason sa programa dahil maganda naman umano ang pinagsamahan nila bilang magkaibigan at dating magkasintahan. Nilinaw naman ni Melai Cantiveros ang balitang masyado na silang nagiging malapit ni Ryan Bang nakasamahan niya rin sa Banana Split. Ayon sa dalaga, matagal na raw talagang silang malapit na magkaibigan ng binatang Koreano at maging noong sila pa ni Jason Francisco ay malapit na raw talaga sa isa’t-isa.

No comments: