Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

MELAI CANTIVEROS at KRIS AQUINO BAGONG MAG BEST FRIEND!!?


Madalas nang mapapanood ang komedyanteng si Melai Cantiveros sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV. Bukod sa mataas na ratings ng programa ay maganda rin daw ang reviews na nakukuha nito lalo na kapag nagiging guest ang komedyante at dati nitong nobyo. Nagpapasalamat naman si Melai sa oportunidad na makasama sa iisang programa ang Queen of all Media na si Kris. Pakiramdam umano ni Melai Cantiveros ay masaya si Kris Aqino na makasama sila ni Jason Francisco sa programa nito. Puno naman ng papuri ang dalaga sa TV host dahil sa pagiging sweet at mabait nito. Aminado si Melai na nakaramdam siya noon ng takot sa naturang host ngunit hindi nagtagal ay naging kumportable na siya sa pakikipagbalitaktakan kay Kris.

Sinasama na rin daw ni Kris Aquino sina Melai Cantiveros sa kaniyang friends list at nagagawa rin daw silang isama sa tuwing magkakaroon ng dinner ang aktres. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala ang dalaga na halos araw-araw niyang makakasama ang batikang host. Isang biyaya umano para kay Melai ang makasama si Kris dahil isa umano itong malaking oportunidad sa kaniya. Magsisilbing co-host si Melai Cantiveros at dati nitong nobyo na si Jason Francisco ni Kris Aquino na unang nagsimula bilang mga guest sa naturang programa.

Hindi na rin naman daw mahirap para kay Melai na makasama ang dating nobyo sa iisang programa dahil nakakpag-move on na rin siya nang maayos mula rito kung kaya hindi pa rin nawawal ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan. Naitanong noon ni Kris Aquino kay Melai Cantiveros kung handa na ba siyang pumasok sa isang relasyon at inamin nito na mas gusto niyang asikasuhin muna ang kaniyang trabaho. Napapabalita naman ngayon na may bagong manliligaw si Melai na agad namang inusisa ni Kris. Ayon sa dalaga, kaibigan lamang daw niya ang nauugnay na lalake sa kaniya at hindi totoo na nobyo niya na ito.

Inamin naman ni Jason kay Kris Aquino na may balak siyang balikan ang kaniyang dating nobya. Napahanga naman ang Kris TV host dahil willing pa rin si Melai na isalba ang pagkakaibigan nila ng dating nobyo kahit na wala na siyang balak makipagbalikan pa rito. Sa ngayon ay wala rin umanong manliligaw si Melai Cantiveros taliwas sa mga balitang lumalabas. Bagamat ibinahagi na ng dalaga kay Kris Aquino ang totoong pangalan ng lalakeng nauugnay sa kaniya ay nilinaw pa rin ng aktres na kaibigan niya lamang ito na galing Cebu.

No comments: