Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

MEL TIANGCO NAPAIYAK Habang Naglalabas Nang SAMA Ng LOOB Sa Pagkakatangal Noon Nang MAGPAKAILANMAN!!!


Naluha si Mel Tiangco ­matapos mapanood ang pinagsama-samang lumang episodes ng weekly drama na Magpakailanman na ibabalik ng GMA simula sa November 17, matapos na sibakin ito sa ere nang walang kaabug-abog ma­tapos mamayagpag ng ilang taon.

“Happiness ‘yon,” sambit ni Mel sa press launch ng hinu-host na dating show. Pero mas malalim pa pala ang dinadamdam niya nang tanggalin sa ere ang show nang hindi naibubulalas ang saloobin.

“I remember how sad I was when they decided to take it off the air. Nobody at that time asked me how I felt. You see, nobody!

“I remember that night, sabi sa akin ni Otep (Boncalan), ‘yung EP (executive producer) namin noon, ‘Tita Mel, sabi ni Ma’am Wilma (Galvante),’ that was during Star Awards…Sabi ni Otep, ‘Sabi ni Ma’am Wilma, i-announce mo raw sa speech mo…’ Coz I was going to win something that night… ‘Sabi ni Ma’am Wilma, i-announce mo raw sa speech mo, Magpakailanman is going off the air.’

“You know, I was stunned! At that time, I did not know how to react! I was just so hurt! You know, so hurt! Ako ang magsasabi? That my show is going off the air? I felt that was so mean! I thought that was so mean!

“Sabi ko kay Otep, ‘Of course, not! I’m not going to do that!’

“Watching this retro presentation, sabi ko, ‘Wow, now I realized how hurt I was!’ “But I had just let it stay silent. Parang pretending I wasn’t hurt. That’s another show. Psyche ko ang sarili ko. That’s another show at this age…

“But watching that now, really…But let’s not talk about my hurt. Now, the hurt is over. Now it’s coming back. Please help us. Please tell the people…Lahat ng kinimkim ko all these years… Ibubuhos namin sa show na ‘to! Ha! Ha! Ha!” mahabang pahayag ni Mel.

Sa pagbabalik ng Magpakailanman, wala naman siyang hininging kundisyon na dapat may kontrata sa itatagal ng show?

“How I’d wish, Jun. Sa industriyang ito, trabaho ka muna bago ang kontrata mo! Ha! Ha! Ha! I don’t know yet! Ha! Ha! Ha!” masaya naman niyang tugon.

Eh, ano paano siya napapayag na balikan muli ang programa?

“Sabi ko, ‘No!’ Yeah. No. Sabi ko, ‘I’ve already taken my bearings. Nawala na ‘yung Magpakailanman sa buhay ko. Ayoko nang bumalik! Alam mo naman ako, Jun, wala nang balikan! Three hundred sixty degrees ‘yon! Pag ayaw, ayaw na! Kung tapos, tapos na! Move on forward! Sabi ko, I don’t wanna go back! Ganoon kasimple.

“Kasi tinanong ka, ‘Tita Mel, ano ba ang gusto mo? Gawin natin.’ I gave them the conditions. Di ba, stupid ‘yon? Kasi ‘pag binigay ang conditions mo, hindi ka na makatanggi! So that’s how it went!” katwiran ng 24 Oras news anchor.

Ngayong sinunod ang kundisyon niya, nakadama ng bagong excitement si Mel. Bumalik ‘yung dati niyang sigla sa unang labas ng programa. Gusto ni Mel na maging dynamic ang bagong season, mas personal ang approach at maganda ang feeling ng bawat nanonood.

Sa unang episode, ang kuwento ng chef na walang kamay ang mapapanood na gagampanan mula bata ni Barbie Forteza hanggang sa lumaki siya na si Maxene Magalona naman ang pumapel.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: