Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

MAX COLLINS Naiyak Sa Pagkakapili Sa Kanya Bilang Bagong Leading Lady Ni DINGDONG DANTES!!!


Nasaksihan namin nang sabihin kay Max Collins na siya ang napiling bagong leading lady ni Dingdong Dantes para sa Pahiram ng Sandali.

At nakita rin namin kung paano na-shocked si Max at hindi makapaniwala at ang nagawa na lang ay maluha sa kaligayahan.


Pero aminado si Max na halu-halo ang emos­yon na naramdaman niya nang marinig sa manager niya na si Perry Lansigan na magiging leading lady na siya ni Dingdong sa primetime at magpa-pilot na ang kanilang primetime series sa November 26.


Teary-eyed pa rin si Max nang makausap namin at talagang shocked nga ito dahil ni isang tao o any hint daw bago siya kausapin noong Lunes ng gabi ng kanyang mana­ger ay wala siyang anumang natanggap o nalaman.


Kasaluku­yang naka-on-call si Max sa taping ng Coffee Prince nang ipatawag siya ng mana­ger niya at madaling-araw na 'yun. Na kinabukasan din, wala siyang kaalam-alam na magpi-pictorial na siya para sa Pahiram ng Sandali.


Sabi nga ni Max, "Sob­rang shock po. Wala po akong kaide-idea na ako ang napili ng GMA. Hindi ko rin po alam na hindi na tuloy si Kylie (Padilla) sa soap. Ang nakarating lang sa akin kanina, parang may isyu lang dahil sa kissing scene yata. Pero ang alam ko, baka i-revise lang ang script. Kaya gulat na gulat po ako, hindi ako makapaniwala."


Pero siyempre pa, tears of joy ang nararamdaman ni Max sa mga oras na kausap namin siya at tila hirap pang mag-sink-in sa kanya ang good news na nalaman.


Nang mga oras lang din na 'yun nalaman ni Max na marami siyempre pa ang mga Kapuso actress names na naglalabasan na sinasabing puwedeng pumalit kay Kylie. At sinabi nga rin namin sa kanya na hindi man lang nabanggit ang pangalan niya sa puwedeng pagpilian.


Tinanong na namin siya kung handa na ba siya na may mang-intriga sa kanya lalo pa't baguhan pa lang siya sa GMA-7 at kapatid din niya si Dingdong sa PPL Entertainment.


"Alam ko naman po na hindi ko naman po mapi-please ang lahat talaga. Ako rin po, sabi ko nga, hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala. Para sa akin po, ang nangyayari po talaga sa akin ngayon ay blessing from God. 'Yun lang po.


"At siyempre po, talaga namang napakaraming Kapuso actress na maga­galing po sa GMA kaya sobrang saya ko po na ako ang napili nila, ako po ang pinagkatiwalaan nila. Gagawin ko na lang po ang lahat ng best na magagawa ko para maging karapat-dapat po sa tiwa­lang ibinibigay sa akin ng network at ni ­Direk Maryo J."


Si Direk Maryo ang director ng Pahiram ng Sandali. At si Direk Maryo raw ang isa sa nag-suggest kay Max na maging leading lady nga ni Dingdong. Isa raw sa nag-attend ng workshop kay ­Direk Maryo si Max at doon nito nakita ang potential ng Kapuso actress.


Sa isang banda, nag-first ta­ping day na rin ang Pahiram ng Sandali noong Lunes pero sina Dingdong at Sandy Andolong muna raw ang mga nakuhanan sa eksena. Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa naturang primetime series sina Alessandra de ­Rossi, Lorna ­Tolentino at Christopher de Leon.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: