Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 4, 2012

MATTEO GUIDICELLI Maglalabas Na Din Nang RECORDING ALBUM!!!


PAPASUKIN na rin ni Matteo Guidicelli ang pagiging singer.

Ito ang tsika sa amin mismo ni Matteo. Ang kanyang manager na si Jojie Dingcong ang magiging producer ng first album ng young actor.

Siyempre, nagtaka kami at napaisip kung may kakayahan ba talaga si Matteo na kumanta at mag-recording.

Ang paliwanag ni Matteo, hilig din niya ang kumanta. Kaya nga raw nabibigyan siya ng pagkakataon na umawit paminsan-minsan sa ASAP 2012.

Mukhang may karapatan din namang makilala bilang mang-aawit si Matteo. Ilang linya kasi ng isang sikat na awitin ang ipinarinig niya sa amin, huh!

Wala pang binanggit sa amin si Matteo kung Star Records ang magrerelease ng kanyang album. Basta inihanda na raw nila ng kanyang manager ang mga napili na niyang awitin!

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: