Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

MARIO MAURER Gustong Mag STAY Sa PINAS!!!


HULI na para awatin si Gerry Donato ng Philippine Star sa kanyang ibinatong katanungan na ito sa Thai hearthrob na si Mario Maurer: “Granting that you don’t have a girlfriend in Thailand, would you fall in love with Erich Gonzales and what do you think of long distance relationship?”

Mabuti na lang at hindi gaanong naintindihan ni Mario Maurer ang tanong na maagap na sinundan ng isang “feed” question mula kay Mario Bautista. Dito na lamang nakahinga ng maluwag ang publicity handlers ng pelikulang Suddenly It’s Magic.

Kumokontra at masisira ang promo ng Suddenly It’s Magic dahil nakasaad sa press kit na “there’s magic with Erich and Mario not only in make-believe but in real life”.

Sa takbo ng istorya sa pelikulang second week na ngayon sa movie houses, brokenhearted na Thai celebrity si Mario na pumunta sa Pilipinas para makalimot. Nakilala niya ang pastry baker na ginagampanan ni Erich na bigo rin sa pag-ibig. Dito na papasok si Kupido sa buhay ng dalawa.

Feel-good movie ang Suddenly It’s Magic at dinirek ng mapagkakatiwalaang Rory Quintos.

Ito ang unang English speaking movie ni Mario na tulad ng Hollywood actor na si Zac Efron ay nag-enjoy nang husto sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas. Lubos na hinangaan ng kanyang mga katrabaho si Mario dahil sa sipag at todong kooperasyong ipinamalas sa pagpo-promote ng sobrang nakakakilig na pelikula.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

san dyan sa part ng scoop mo ang nagsasabing "gustong mag-STAY ni Mario Maurer sa Pinas"? mukhang wala naman. Misleading ang title mo.