Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

MARIAN RIVERA KINALMOT Nang FANS!!!


Dinumog at nakalmot ng mga fans si Marian Rivera nang mag-taping sila ng Extra Challenge ni Richard Gutierrez sa Navotas Fishport. Ipinakita sa amin ng aktres ang kalmot sa braso nang makasabay namin siya sa elevator ng GMA last Monday.

“Okey lang naman. Natutuwa rin naman ako dahil ganoon kainit ang pagtanggap ng tao sa show namin ni Chard,” rason ni Marian na ganda-gandahan that night na nagpaalam lang sandali sa taping ng Temptation of Wife.

Hindi raw kasi kinaya ng mga securities nila sa taping ang dami ng taong sumaksi sa taping nila.

Although nahirapan siya sa lugar, bakas naman sa mga ngiti niya na gusto niya ang kanyang ginagawa.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Marian ay ang magandang resulta ng ratings ng bago niyang drama series.

Alam niyang mabibigat ang katapat na programa sa kalabang network kaya todo ang pasasalamat niya sa pagtanggap ng tao sa TOW.

Balita pa niya sa amin, baka ma-extend hanggang March ang TOW.

No comments: