Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

MAJA SALVADOR Enjoy Na Enjoy Sa Malaking PWET Ni DIETHER OCAMPO!!!


Hindi malaman ni Maja Salvador kung paano sasagutin ang tanong sa kanya sa presscon ng 24/7 In Love, na posible ba siyang magkaroon ng panibagong award sa episode nila ni Diether Ocampo sa pelikulang ito.

Hindi sure si Maja kung seryoso ba o dyinu-joke siya sa tanong na ‘yon sa kanya dahil hindi naman ganu’n kabigat ang tema ng bago niyang pelikula with ­Diether, kum­para sa ginawa niya sa Thelma, na nagbigay sa kanya ng dalawang acting awards.

Kaya naman ang naging sagot na lang ni Maja ay posibleng ma-nominate siya sa kanyang naging reaksyon nang makita niya ang puwet ni Diether sa isang eksena nila.

“Bonggang-bongga!” ang deskripsyon ni Maja sa puwet ni Diether nang bumulaga sa kanya ang hubo’t hubad na katawan nito na nakatalikod.

Mula sa ipinalabas na trailer, nabungaran ni Maja na pinupunasan ng tuwalya ni Diether ang kanyang hubo’t hubad na katawan, dahil kaga­galing lang kasi niya sa shower.

Tumambad sa mala­king screen sa Dolphy Theatre ang nude back view ng aktor. Kitang-kita ang malaking tattoo ni Diether sa likod at ang mga nagmumurang muscles na nag-aalsa­han sa kanyang mga likod at pigi.

Bagama’t, hindi naman ipinakita nang buung-buo ang puwet ni Diether, sapat na ang nasilip na kalahati ng butt nito.

Nangingiti-ngiti pa si Maja sa kanyang na­sabing comment tungkol sa puwet na nasilip niya kay Diether at baka nga raw dahil sa kanyang nagulat na reaksyon ay ma-nominate o manalo siya ng acting award.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: