Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

LORNA TOLENTINO Gusto Maka LOVE SCENE Si DINGDONG DANTES!!!


Excited ang buong cast ng bagong soap sa GMA na Pahiram Ng Sandali sa nakaraang story conference.

Ito nga ang ipinalit sa project na Haram, at bida pa rin dito sina Dindong Dantes, Kylie Padilla at Lorna Tolentino.

“Ang gagaling ng mga kasama ko! Ang role ko po ay anak ni Miss Lorna na mai-in love kay Dingdong, pero si Dingdong naman ay mai-in love kay Miss Lorna,” natatawang bungad na kuwento ni Kylie.

May halikan ba sila ni Dingdong?

“Puwede naman siguro idaan sa ibang paraan, kasi hindi naman kailangang makipag-kiss.”

So, hindi pa siya handa sa mga kissing scenes, at hindi rin siya papayagan ng tatay niyang si Robin Padilla?

“Hindi ako ready at ayaw rin ni Papa. Ako naman kasi pagdating sa character, lahat naman talaga gagawin ko kasi love ko ang trabaho ko, pero kung ayaw ni Papa...”

Aminado naman si Lorna na napi-pressure siya sa role niya, dahil kailangan daw ay oozing with sex appeal siya.

“Kailangang oozing with appeal ka ‘pag may love na involve. Hindi katulad ‘pag mother ka. Okey lang kahit na ‘yung look mo ay pang-nanay.”

Gaganap bilang asawa ni Christopher de Leon si Lorna at ina ni Kylie, na mauugnay kay Dingdong. May intimate scenes sina Lorna at Dingdong.

“Meron! Trabaho lang ito, ha!” natatawang sey niya.

Pinag-usapan na ba nila ni Dingdong ang tungkol doon?

“Hindi pa kami nag-uusap. Pero, siguro wala naman akong dapat ikatakot. Ngayon ko lang mae-experience na magkaroon ng affair with a younger man,” sambit ni LT.

Siyempre, sobrang tuwa naman ni Dingdong na makakatrabaho niya si Lorna.

“Sobrang saya ko na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya. Sobrang suwerte ko na nabigay sa akin ang ganitong klaseng pagkakataon,” pahayag ni Dingdong.

No comments: