Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

LOLIT SOLIS Nakiusap Kay MMDA Chairman Para Matulungan Si ALYSSA ALANO


Sa presscon ng 38th MMFF lang nagtagal si Lolit Solis ng walang reklamo at masaya itong naghintay siya dahil mission accomplished. Hinintay ni Lolit si MMDA Chairman Francis Tolentino para kausapin sa kaso ni Alyssa Alano na naaksidente na nga, pagbabayarin pa ng MMDA dahil nakasira ng railings.
Sa car accident ni Alyssa, naararo ng sasakyan nito ang railings, nasira at pinababayaran sa kanya. Iyon ang sadya ni Lolit kay MMDA Chair Tolentino, kinausap ito kung puwedeng babaan ang babayaran ni Alyssa. Ipinaliwanag ni Lolit na walang pera si Alyssa lalo’t wala itong trabaho ngayon, nagbayad pa sa ospital at marami pang gastusin. Hindi na naman isinulat ang sagot ni MMDA Chair Tolentino at baka may mga mag-react. Basta happy si Lolit!


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: