Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

KYLIE PADILLA Ayaw Makipag Halikan Kay DINGDONG DANTES!!!


KUNG SI Kylie Padilla, ‘di pumayag makipaghalikan kay Dingdong Dantes sa bagong serye na pagsasamahan nila nina Lorna Tolentino na Pahiram ng Sandali dahil sa takot sa amang si Robin Padilla, si Lorna ay ‘di lang halikan kundi maylove scene pa sila ni Dingdong sa serye na ididirek ni Maryo J delos Reyes.

Sabi ni Lorna, walang problema sa love scene niya kay Dingdong dahil alam niyang magaling na actor si Dingdong at mapagkakatiwalaan ang kanilang director.

Ang nasabing serye ang siyang ipinalit sa Haram na silang tatlong rin nina Dingdong at Kylie ang mga bida. Pero nanghihinayang si LT na ‘di natuloy ang Haram.

“Nakapaghihinayang lang na-shelve ang Haram. Kakaiba kasi ang kuwento nito. Pero dahil sa masyadong sensitibo ang topic, mas mabuti na rin sigurong iniurong muna ito. Kaysa naman marami ang magreklamo,” say ni LT.

Naging maganda naman ang ipinalit sa Haram na ayon na rin mismo kay LT, bagay na bagay raw ang takbo ng istorya kina Dingdong at Kylie.

Samantala, sa katatapos na Undas ay umiwas si LT sa maraming tao na pumupunta sa Heritage Park noong nakaraang Nov. 1. May nakatakda raw kasi siyang araw kapag pumupunta sa puntod ng yumaong mister na si Rudy Fernandez para raw tahimik at hindi magugulo ng mga tao kapag siya ay taimtim na nagdarasal.

“Naging tradisyon na namin ‘yon. Ang importante ay nakapupunta kami at nakapagdarasal nang maayos. Kahit naman hindi Undas, pumupunta kami kay Daboy. Kapag tahimik kasi, nakakausap mo ang mahal mo sa buhay nang maayos. Walang makadi-distract ng attention mo,” pahayag pa ni LT.

Hanggang ngayon, malaki pa rin ang paniwala ni LT na nandiyan pa rin si Daboy sa tabi niya para gabayan siya at ang kanilang mga anak at apo.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: