Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

Kris nagpasapaw kay AiAi matuloy lang ang pelikula nila


Ngayong Martes na sisimulan ang shooting ng Sisteraka, entry ng Star Ci­ne­ma sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at bida sina Kris Aquino, Vice Ganda, at AiAi delas Alas sa direction ni Wenn Deramas. Ang TV host-actress mismo ang nagbalita nito sa Twitter at straight daw ang trabaho niya mula Nov. 4 hanggang Dec. 25.

Sa New Year na yata ang next trip ni Kris dahil nabanggit nitong gusto niyang sa ibang bansa sila mag-spend ng Bagon Taon ng mga anak.

Noong Linggo at kahapon, nag-taping siya ng Kris TV (four episodes). Bukas, sa taping ng Kailangan Ko’y Ikaw naman ang haharapin niya, balik siya sa shooting sa Thursday, Friday, may TV commercial shoot at Saturday and Sunday, balik-Bangkok siya for another Pantene TVC shoot.

’Katuwa pala dahil si Kris na ang lumutas sa haha­ra­ping problema ng Sisteraka. Inako na niyang siya ang kontrabida at alphabetically ang billing nila para walang magreklamo. Kaya mauuna sa billing si AiAi, sunod siya, at last si Vice Ganda.

No comments: