Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

KIM CHIU UMAMIN NA MATAGAL NANG SARADO ANG PUSO NIYA PARA KAY GERALD ANDERSON!!!


Kasama sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa 15 Kapamilya stars na tampok sa pelikulang “24/7 in Love,“ 20th anniversary offering ng Star Magic, handog ng Star Cinema.

After two years, muling nagkatrabaho sina Kim at Gerald. Ani Kim, noong kunan ang unang eksena nila sa “24/7 in Love“ ay kinabahan siya. Nagbalik sa alaala niya noong 16 years old pa lang siya at bago pa lang ang love team nila ni Gerald.

Matapos ang ilang araw na shooting nila, unti-unting naging komportable na uli sila sa isa’t isa, ayon kay Kim. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan na sila ni Gerald.

The sad part nga lang, mukhang malabo nang magkabalikan sina Kim at Gerald. Tahasang sinabi ni Kim sa presscon ng “24/7 in Love“ na matagal nang sarado ang puso niya para kay Gerald. Ouch! Totally, naka-move on na ang tsinitang aktres. “Masaya na kami ni Gerald na friends kami, hindi kami magkaaway,“ ani Kim.

Walang epekto ang pakiyeme ni Gerald na kuno’y parating bukas ang puso niya para sa posibleng pagbabalikan nila ni Kim. Ang tagal nga niyang nakasagot nang tanungin siya noong presscon. Nagpaliguyligoy pa sa pagsagot si Gerald. Oo o hindi lang naman ang hinihintay ng entertainment writers. ‘Buti pa si Kim, naging honest sa nararamdaman niya ngayon for Gerald.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

4 comments:

Anonymous said...

LOVE IT! Totally move on na si chinitaprincess! =) Happy for her!

Anonymous said...

Way to Go Kim!!! IKAW NA TALAGA YAN!!! Learn from life's experiences and be with the who truly makes you HAPPY. :)

Anonymous said...

Way to Go Kim!!! IKAW NA TALAGA YAN!!! Learn from life's experiences and be with the one* who truly makes you HAPPY. :)

Anonymous said...

corek! the truth will set you free, kumbaga