Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

Kaye Abad, umaming ‘di rin nakakalimutan si John Lloyd Cruz


NAGKASALUBONG kami nang hindi sinasadya ni Kaye Abad isang hapon. Kahit walang make-up at mukhang bagong gising ay gandangganda kami sa sinasabing unang showbiz girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Puring puri rin ng aming kasamang kaibigan ang aura ni Kaye at nagsabing among sa female celebrities na nakikita nila sa personal ay isa si Kaye sa talagang may pinakamagandang mukha.

“Sayang lang, hindi talaga sumikat nang husto. Magaling din namang umarte,“ sabi ng kaibigan namin.

Natawa na lang si Kaye sa mga papuring narinig niya, sabay banggit na sariling desisyon niya kung bakit hindi nagtuluy-tuloy ang TV and movie projects niya noon.

Lalong humahagikhik si Kaye nang tanungin namin tungkol sa lovelife niya.

“Basta masaya ako ngayon, masayang-masaya,“ natawang sagot niya, at idinagdag na medyo nagmamadali raw siya.

May appointment ang aktres nang hapong iyon sa isang agent at may kinalaman sa print ad endorsement na iniaalok sa kanya ang paguusapan nila.

Pero bago kami iniwan ni Kaye ay tinanong namin ang aktres kung ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ni John Lloyd Cruz na sa lahat daw ng naging karelasyon nito ay isang Kaye Abad ang pag-ibig na pinakahindi nito malilimutan.“Bakit, hindi ko rin naman siya nakakalimutan, ah,“ napatawang sagot sa amin ni Kaye, huh!

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: