Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

KAREN DAVILA at DIVINE LEE NAG AAWAY!!?

NO dull moment with Divine Lee sa tuwing makakatsikahan namin siya dahil hindi raw uso sa kanya ang maging malungkot at hindi rin niya feel ang may nalulungkot sa mga kaibigan at kausap niya.

Puring-puri nga rin ng mga staff ng bagong talk show ng TV5 na Ang Latest at maski na sa mga rating programang Paparazzi at Juicy si Divine dahil maagang dumarating sa set at nakahanda na hindi nga naman katulad ng ibang artista na limang minuto bago umere ang programa ay at saka lang darating at magpapa-make-up pa.

At dahil wala pa ring linaw kung ano na ang nangyari sa kasong kinakaharap ngayon ng tatay niyang si Mr. Delfin Lee na may-ari ng Globe Asiatique ay natanong ang dalaga lalo’t marami ring bumabatikos sa kanya bilang anak.

Aminado si Divine na naguguluhan siya kung bakit siya ang binabatikos, gayung wala naman daw siyang partisipasyon sa mga nangyari.

“Hindi ko naman po talaga naiintindihan ang nangyayari, I hope na sometime, alam mo ‘yun, ipinagdarasal ko na maintindihan ko rin lahat, alam mo ‘yun?

“Na sometime, maging okay na at makasama ko ang daddy ko, ganyan. Pero hindi po kasi ako negatibong tao, so, nagdarasal pa rin ako ganoon,” katwiran ng dalaga.

Hindi nga raw niya nasusuportahan ang tatay niya, “how can you do that if you can’t even talk to him, ‘di ba? So, wala kang way. Kasi, bago po lahat ito mangyari, noong medyo nagiging magulo na, nag-usap-usap ang pamilya na ‘yung mga anak, huwag nang makisali pa.

“Wala talaga akong magagawa kung ganoon ang iniisip nila. I just hope na mabigyan ako or sila ng chance na makilala namin ang bawat isa. At first, yes, affected ako.

“Pero ngayon, nasa point na ako na parang you know, you cannot control what they do, but you can control how you deal with it. Kasi, positive akong tao, so ita-turn mo na lang everything into positive, ‘di ba?” kuwento pa ng dalaga.

Nagkaroon din pala ng hindi pagkaka-intindihan ang boyfriend niyang si Victor Basa at anchorwoman na si Karen Davila dahil sa mga pinagtwi-tweet ng huli tungkol sa kaso ng tatay ni Divine.

Hindi na raw sinagot ni Divine si Karen sa Twitter pero ang boyfriend niyang si Victor ang sumagot na hindi totoong ang girlfriend nito ang CEO ng buong GA Corp.

”Hindi ko kasi siya kilala, eh. I mean, I follow her, but hindi ko siya friend, so wala naman akong magagawa kung may opinyon siya. Wala, deadma.

“Well, hindi ko naman puwedeng sabihin na sana, kinausap niya ako kasi hindi nga kami magkakilala, so, if that’s her way of expressing her opinion, okay lang,” pangangatwiran pa.

At simula raw sagutin ni Victor si Karen okay na, hindi na raw ito nag-tweet pa at tahimik na rin.

Samantala, nasaan na nga ba ang tatay niyang si Mr. Delfin Lee ngayon?

“Honestly, wala po akong alam, hindi ko na rin inaalam kasi hindi siya tumatawag o nagpaparamdam man lang sa aming magkakapatid, maski nga birthdays namin, walang bati, so feeling ko ayaw talaga kaming kausapin, kumbaga, inilayo niya ang sarili niya sa amin,” pagtatapat ng dalaga.

Samantala, sobrang masaya raw ngayon si Divine dahil nominado siya bilang New TV Personality sa darating na Star Awards for TV.

“Grabe, sobrang tuwa ko ng mabasa ko na nominado ako, iba ang feeling ko,” masayang kuwento ng dalaga.

As in lahat daw ng kaibigan niya ay tinawagan niya para ibalita nga, “Eh, masaya ako. ‘Yung mga nagsasabing okay lang sa kanila na nominado sila at nabasa nila sa diyaryo ang pangalan nila, naku, hindi totoo ‘yun. Kunwari lang sila, ayaw lang nila aminin sa iba,” saad niya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: