Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

'KANTA PILIPINAS' Next Year Pa Magsisimula!!!


Nagkaroon ng chance na kumanta na agad ang ilang finalist na sasabak sa Kanta Pilipinas ng TV5 na si Marvin Agustin ang producer. Isinabay na ito sa presscon ni Marvin as Knorr Celebrity Chef endorser kahapon.

First week of February pa next year eere ang Kanta Pilipinas na naudlot nang unahin ng TV5 ang Artista Academy na by the way ay mga umapir din sa nasabing presscon ang mga scholars ng AA.

Anyway, kasama na ng actor sa pagpo-promote ng Knorr ang kanyang mommy Maria Teresa na kanyang inspirasyon sa kanyang mga ginagawa. At bilang patunay magbubukas siya ng first Filipino family restaurant bilang tribute sa kanyang ina. “The Kitchen has bonded me and my mom in unexpected ways, and I am thankful that Knorr has given me this chance to share a part of myself to every mother in the country,” sabi ng accomplished restaurateur-chef-actor. “Together with Knorr, we will provide modern-day Filipino families with dishes the respond to their needs, while making their cooking experience fulfilling, pleasurable and enriching,” sabi ng actor.

Bukod sa pagiging chef at may-ari ng restaurant, hinaharap din naman niya ang kanyang career.

Bukod sa Kanta Pilipinas, magho-host uli siya sa Artista Academy Tweens at isang serye sa TV5 pa rin.

May offer din naman sa kanya ang Viva na pelikula pero inaayos pa raw.

c/o PHILSTAR

No comments: