Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

JUN MAGDANGAL Gumastos Nang Malaki Dahil Sa MAnghuhula Na Nagsabi Na SISIKAT Pa Ulit Si JOLINA MAGDANGAL!!!


SO VERY amusing naman ang nasagap nating chika tungkol sa manghuhulang pinaniwalaan ng labis-labis noon ni Daddy Jun Magdangal para magpabalik ang popularity ng kanyang daughter na si Jolina Magdangal na ngayon ay married na sa leader ng isang banda.

Kabaliwe’d, my BFFT Pete A, sa kagustuhan raw ni Daddy Jun na magka-career pa uli ang kanyang anak, lahat ng iutos sa kanya ng kinuhang psyhic consultant ay kanyang sinunod. At bawat galaw noong manghuhula ay may katumbas na libu-libong halaga.

Sabi pa raw nito kay Daddy Jun, mabibigyan ng maraming programa sa GMA7 si Jolens at ang mga pelikula na gagawin nito ay pawang magiging blockbuster.

Asan ang project? Hindi ba’t sa GMA News TV na lang ata nagso-show ang dating sikat na Kapamilya comedienne/actress. kasi naman, noong medyo lumalamlam na ang dati-rati’y bonggang career ni Jolina, nag-offer kami ni amigang Pete na tulungan at suportahan sa kanyang mga publicity ang aktres. Ang kaso, deadma lang si daddy dahil mas bilib siya at tiwala noon kay Manang Cristy Fermin dahil ito raw ang muling magpapasikat muli sa kanyang anak.

Anong nangyari? Hayun, lalong nalaos ang singer-actress at hindi lang ang acting career nito ang lumamlam nang husto kundi pati na rin ang kanyang singing career. Huwag kasing mangmaliit coz dat’s very bad gyud!

c/o REMATE

No comments: