Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

JUDY ANN SANTOS PINAGNANASAAN Ang ABS Ni SAM MILBY!!!

MAHIGIT nang dalawang taong walang lovelife si Sam Milby at okay lang daw iyon sa kanya dahil mas prioridad niya ngayon ang career.
Hindi nakatulong ang pagkakaroon ng girlfriend ni Sam nang pumunta siya ng Amerika maski na marami siyang nakilala.

“Well, siyempre kapag nasa States ako mahirap kasi babalik at babalik naman ako rito kaya walang time para magka-lovelife roon. Last time I went there was for the teleserye tour and I was there for one week lang,” paglalarawan ni Sam noong nasa ibang bansa siya.

At mukhang sa career naman suwerte si Sam dahil maski na walang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon ay may mga project naman siya tulad nitong 24/7 In Love na produced ng Star Cinema para sa 20th year anniversary ng Star Magic.

Si Pokwang ang leading lady ni Sam at pabor nga raw sa kanya na hindi niya karelasyon ang komedyana kompara kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo; John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Ang katwiran ng aktor ay “mas nawawala ang pressure sa amin ni Marietta (Pokwang) kasi it’s comedy, masaya lang sa set, very easy going lang. Masaya lang sa set, just like easier and matagal na kaming friends dahil sa mga tour namin (abroad).”

At totoong may kissing scene sina Sam at Pokwang .

Samantala, tinanong namin ang tungkol sa isyung intimidated si Sam sa leading lady niyang si Judy Ann Santos sa seryeng Against All Odds.

“Siyempre, sa mga first day naman, magaling talaga si Juday and first time kaming magkasama sa isang project though friends naman kami, but it was different naman sa work.

“May mga eksena talaga na medyo na-intimidate ako, but naging komportable naman ako after a while,” pag-amin ng aktor.

Base pa sa kuwento ni Juday sa MasterChef Pinoy Edition presscon ay hirap daw magsalita ng Tagalog si Sam?

“Siyempre kasi, may mga line na medyo malalalim at dahil medyo malalalim iniisip ko ‘yung linya hindi ‘yung acting kaya talagang nabubulol ako, pero ano, minsan lang naman,” pagtatapat ulit ni Samuel.

Walang reklamo si Sam sa pagkakahinto ng taping nila ng AAO dahil mas inuna ng aktres ang MasterChef Pinoy Edition.

“Ako, kararating ko lang galing States, okay lang. Naghihintay lang ako, and I understand naman that Juday’s schedule is (hectic), she has a movie for MMFF (Metro Manila Film Festival) and may ‘MasteChef’ pa siya, ako naghihintay lang for the schedule.

“Okay lang din naman kasi, kasi busy din ako ako sa shows (abroad) performing. And I just finished ‘yung ‘Death March’ (indi movie), hindi ko alam kung ipalalabas dito sa Pilipinas,” say ng aktor.

Samantala, sinabi namin kay Sam na gustong-gusto raw ni Juday ang abs niya. Ano bang eksena nila sa Against All Odds para makita ng aktres ang katawan niya.

“Ha, ha, ha talaga? Thank you, Juday! I will be working on it, para sa ‘yo! Marami kasi akong nakahubad na eksena sa serye, eh. Halos everyday nakahubad ako,” masayang sabi ni Sam.

Kasama rin si Jericho Rosales sa serye at hindi ba threaten kay Sam na pagkomparahin ang acting nila.

“Ay hindi naman maiiwasan na mako-compare talaga. And I’m actually glad siyempre Jericho ‘yan. Making it much more better, I’m more excited naman to be with Jericho (sa serye),” katwiran ng aktor.

c/o HATAW

No comments: