Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

JUDY ANN SANTOS Nakiusap Na Tigilan Na Ang Pang Iintriga Kay PIOLO PASCUAL!!!


BALIK-KUSINA NA naman si Judy Ann Santos sa reality cooking show na Master Chef Pinoy Edition with chef judges na sina Fernando “Ferds”Aracama, Rolando “Lau” Laudico and JP “Jayps” Anglo. Ikinumpara ng actress/TV host sina Wowie De Guzman, Rico Yan at Piolo Pascual sa tatlong favorite dishes nito.

Ayon sa kanya, si Wowie ay parang lechon manok, ang loveteam kasi nila ay pang- masa, afforable. Samantala, si Rico Yan ay pizza dahil marami itong toppings sa ibabaw at masarap kainin, hindi mahirap abutin. At ang pangatlong pa-ngalang binanggit ni Juday ay si Mark Anthony Fernandez , na na-surprise kami. “Sige, si Piolo (Pascual), risotto, sosyal at mahirap basahin. Kasi, siya ‘yung tipo ng taong kailangang bantayan mong mabuti para makilala mo. Kailangang bantayan habang niluluto para tama ang timpla at masarap. Kasi, kapag hindi nabantayan magiging malata,” makahulugang sabi ni Juday.

Siyempre, ikinumpara naman ni Judy Ann si Ryan Agoncillo sa adobo. Ayon sa kanya, all-time favorite ito ng pamilya na puwedeng kainin sa umaga, tanghali at sa gabi. Naitanong rin kay Juday kung tuloy ‘yung project nila ni Piolo.

“Lagi namang naitatanong ‘yan, taun-taon na lang yata. Wala namang offer pa na magsama kami. Sa akin, walang problema. Kung mangyayari naman, mangyayari talaga,” simpleng sagot niya.

Nabanggit ni Juday na after ng one season ng Masterchef Pinoy Editon, balik-teleserye na naman siya with KC Concepcion, Jericho Rosales, Jessy Mendiola and Sam Milby. Katunayan nga, nakapag-taping na nga siya ng limang episode para sa Against All Odds. Hindi raw niya kakayaning pagsabayin ang taping ng dalawang show dahil mawawalan na siya ng time for her family.

Naging topic din ng tsikahan namin ni Judy Ann ang tungkol sa latest issue tungkol kina Sharon Cuneta at Piolo Pascual na nagsimula na naman sa twitter. Alam natin mag-BFF sina Juday at ang Megastar. Reaction ng actress about the issue? “Ang hirap magbigay ng komento, ‘di ba? Hayaan na nating lumiit ang butas. Deadma, ‘di ba? Ayokong makigulo pa, mag-move-on na lang. Sana sa pagkatapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. Palagi na lang ganu’n ang napag-uusapan,” wika nito.

Advice na puwedeng ibigay ni Juday sa kanyang Ate Shawie? “In general, wala tayong hold sa lahat ng nagtu-tweet, kasi it’s their prerogative. Deadma na lang. Sana, magpa-Pasko na, tama na, ‘di ba? Ako, wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng ilang araw, may news black-out ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap lately. Pero kung anuman ito, sana bilang Pasko, tama na. Masyado nang maraming nasasaktan, mag-move on na tayong lahat,” pakiusap ng actress/TV host.

Nabalita ring nakikipag-usap raw ang mag-asawang Judy Ann at Ryan kay Piolo para gumawa ng pelikula, pero tinanggihan daw sila ng actor.

“Ayokong sagutin ‘ yan, ayokong pag-usapan ‘yang mga ga-nyang klaseng ka-personal na ano. Kasi, unang-una, parang hindi siya tama na pag-usapan. Gaya ng nasabi ko kanina, let’s leave it at that na lang. Kung mangyari, mangyari… tama na, nakikiusap ako. Naaawa na rin ako ru’n sa tao, mas-yado na ring bombarded ng mga issues, so hayaan na natin. Patahimikin na muna natin siya.

“Let him think, let everybody think. Lahat ng mga taong naaapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people, pabayaan na natin. Matatapos na ang taon, magpa-Pasko na, tama na. Kung anu’t anuman ang mangyari, mangyayari naman. Positive naman ako sa part na ‘yun. Ang sa akin lang, siguro, masyadong lutung-luto na ‘yung issue, baka nga sagot ako nang sagot tapos wala na ring interesado,”


c/o Pinoy Parazzi

No comments: