Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

JUDY ANN SANTOS Mas Pasasarapin Ang Ating UMAGA!!!


Makakasama pa rin ni Judy Ann Santos sa MasterChef Pinoy Edition sina Chefs Fernando Aracama, Rolando Laudico at JP Anglo bilang chef-judges.

Pabiro na sinabi ni Judy Ann na ayaw niya ng female chef sa kanyang cooking show na magsisimula sa Lunes, November 12, dahil selosa siya.

Ayaw raw niya na matalbugan at gusto niya na siya lang ang pinagtutuunan ng atensyon ng male chef-judges.

Kakaiba ang Pinoy Edition ng MasterChef dahil hinaluan ito ng mga real-life drama dahil likas na mahilig sa mga teleserye ang mga Pinoy. Ipapakita sa cooking reality TV show ni Judy Ann ang pakikipagsapalaran sa buhay ng mga contestant.

“Mas makaka-relate ang mga tao sa MasterChef Pinoy Edition dahil hindi lang ang talent nila sa pagluluto ang kinukuha namin. Kasama rin ang kuwento ng kanilang mga buhay.”

Bukod sa araw-araw na drama na ihahain ng MasterChef Pinoy Edition, ihahatid din ng kusina-serye ni Judy Ann ang ibang mga kaalaman na magagamit ng televiewers sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng Pinoy recipes na madaling ihanda, cooking demo at mga tip sa pangangalaga ng tahanan at kalusugan.

Mapapanood sa ABS-CBN ang MasterChef Pinoy Edition bago mag-umpisa ang Be Careful With My Heart.

“Maganda ang oras namin sa umaga. Nandiyan ang Kris TV at Be Careful With My Heart. It’s gonna be a fun morning. Masaya na siya (ang morning block ng ABS-CBN), mas magiging juicy pa siya,” ang pahayag ni Judy Ann tungkol sa morning timeslot ng kanyang bagong TV show.

No comments: