Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

JUDY ANN SANTOS Ayaw Magbigay Nang Kumento Kay SHARON CUNETA!!!

Hindi naiwasang itanong kay Judy Ann Santos ang patungkol sa bagong isyu patungkol kay Sharon Cuneta. Ito ay kaugnay ng mga bashers ni Megastars sa social networking site na Twitter. Malapit na magkaibigan si Juday at Sharon kung kaya hindi na nakaiwas pa ang Teleserye Queen sa mga taong gustong malaman ang kaniyang reaksyon patungkol sa naturang isyu. Ayon sa 34-taong-gulang na aktres, mas mabuti umano na huwag nang pansinin ng mga tao kung ano man ang pinagdadaanan ngayon ni Sharon Cuneta. Hiling naman ni Judy Ann Santos na itigil na ang mga paninirang ito dahil alam niyang marami ng taong nasasaktan.

Pagod na rin daw siyang pag-usapan pa ang mga isyung kinasasangkutan ng kaniyang kaibigan na si Sharon. Pakiramdam ni Juday ay masyado na umanong pinalaki ng media ang mga nangyayari. Hindi naman daw kakampi si Judy Ann Santos sa kung kahit sino man ang kasama sa pinag-uusapan. Matatandaang hindi napigilan ni Sharon Cuneta ang emosyon nito sa mga sinasabi niyang tagahanga ni Piolo Pascual na pilit na naninira sa kanila ng anak na si KC Concepcion. Iba naman daw kasi ang relasyon ni Judy Ann kay Sharon at iba rin ang relasyon nito sa kaibigang si Piolo. Alam naman daw ng tao kung sino ang mas mahal ng aktres ngunit mas gugustuhin niya na itigil na ito.

Bukod dito ay hiling din ni Judy Ann Santos na tigilan na ng mga tao ang pagbabatikos sa dati nitong love team. Masyado na raw maraming pinagdadaanang isyu ang aktor. Ayaw na rin daw niyang magbigay ng reaksyon sa mga nasabing tweet ng kaniyang Ate Sharon Cuneta dahil pinagkakatiwalaan naman niya ang ginagawa nito. Marami umano kasing natutunan si Juday kay Sharon na itinuring niya na bilang nakakatandang kapatid. Habang tumatagal ang relasyon bilang magkaibigan ng aktres kay Sharon Cuneta ay lalo na man daw lumalaki ang kaniyang natututunan dito. Masaya rin si Juday dahil masarap maging kaibigan ang Megastar dahil pinaparamdam umano nito sa kaniya ang pagmamahal.

No comments: