Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 14, 2012

JOSE MANALO, Tumanggi Sa KISSING SCENE Kay SOLENN HEUSSAFF!!!

Nag-inarte pa si Jose Manalo sa kissing scene nila ni Solenn Heussaff sa “D Kilabots Pogi Brothers, Weh?!” Siya pa ang tumanggi samantalang game na game si Solenn.

Sabi ng dalaga, bilang isang French, talagang mahilig sila sa kissing at hindi isyu sa kanya kung may kissing scene sila ni Jose.

Sabi ng komedyante, nailang at nahiya siya dahil hindi siya sanay sa kissing scene on screen. Kung pwede naman daw na wala, eh, di wala!

Sa pag-iinarte niya, binigla na lang siya ni Solenn at nakadalawang kissing scenes sila. Suwerte naman ni Jose. Solenn Heussaff pa ang humalik sa kanya.

Kasama nila sa “D Kilabots Pogi Brothers, Weh?!” sina Paolo Ballesteros, Gina Pareno, Jimmy Santos at may guest appearance si Maricel Soriano. Showing ito on Nov. 28.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: