Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

JOROSS GAMBOA NAGPAPAAWA NA NGA BA KAYA HINDI MAMATAY ANG ISSUE NANG PAG KATSUGI NIYA SA SOAP NINA GERALD ANDERSON AT CRISTINE REYES??!!

SAMANTALA Mareh, takang-taka naman kami kung bakit hindi mamatay-matay ang isyu sa pagkakatsugi kay Joross Gamboa para sa isang soap na kasama rin sina Cristine Reyes at Gerald Anderson.

Napatunayan na namang may kinalaman o may ginawa si Cristine para makatrabaho nito ang bf na si Rayver Cruz, kaya’t ano pa ang nginangawa ni Joross gayung very obvious na mas sinunod si Cristine ng production?

Nagmumukha tuloy siyang sour graping o di kaya nama’y nagpapa-awa dahil sa ginawa ng sinasabi nilang power tripper na sexy actress. Well, anong magagawa ng pagkukuwento ni Joross? Naisulat na at tinawag ng anik-anik si Cristine, na kahit ano yatang ibato mong isyu ay ipagtatanggol ni Rayver. Maibabalik pa ba ang role na umano’y napunta nga kay Rayver?

As if naman, napakalaking break ‘yun na dapat panghinayangan ni Joross. He had his time and he had his chances. Matagal na niyang dapat tanggapin na never na siyang magiging bidang-bida sa mga project.

Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil pinag-uusapan siya at napapansin ng iba na kailangan pala niya ng trabaho. And yes, nabibigyan siya ng credit sa mga project na ginagawa niya gaya ng Suddenly It’s Magic na talaga namang box-office hit.

That’s enough. Ang mag-ilusyon (sana naman ay wala) pang box-office attraction o di kaya’y “show rater” ay kalabisan na, ‘di ba Mareh? Hayaan na nating sina Cristine at Rayver ang makaranas ng kung anumang karma sa project na umano’y ‘tinaggal’ nila kay Joross.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: