Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

JOROSS GAMBOA GALIT KINA CRISTINE REYES AT RAYVER CRUZ!!?


Nanghihinayang si Joross Gamboa sa pagbabalik-teleserye sana niya sa ABS-CBN.

Nauna nang napabalita na isa si Joross sa makakasama sa seryeng Bukas

Na Lang Kita Mamahalin na pagbibidahan nina Gerald Anderson, Cristine Reyes at Maricel Soriano.

Pero ayon sa naglabasang chika, biglang natsugi sa cast si Joross at ipinalit ang dyowa ni Cristine na si Rayver Cruz.

Ang balita, ipinagpilitan daw ni Cristine si Rayver sa serye kaya naetsapwera si Joross.

“May narinig akong ganu’n.

Pero walang masamang tinapay sa akin.

Kung para sa akin, para sa akin, kung hindi, okay lang din.

Pero sayang, sana dapat makakasama ko sana ‘yung matagal ko ng gustong makatrabaho na kapatid ko, si Gerald,” ayon kay Joross nang interbyuhin ng media sa presscon ng pelikula nilang “Suddenly It’s Magic” ng Star Cinema na showing na ngayon nationwide.

“Sabi ni kuya Noel (Ferrer, manager ni Joross), hinihintay na lang daw ‘yung storycon. Nu’ng story con na, sabi ko,

‘Story con today, bakit kaya walang text?’

Ayun lang. Sa akin okay lang.

Tapos na ‘yun,” say ni Joross na halatang hinayang na hinayang sa nasabing proyekto.

“Hindi ako naman na-offend. Siyempre may gulat lang na factor.

Other than that walang sama ng loob, walang bahid ng kahit ano, nagulat lang ako siyempre, tsaka nagtaka,” dagdag pa ng aktor na kahit hindi umamin ay halatang may sama ng loob sa nangyari.

No comments: