Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

JOLO REVILLA: Yes, si JODI po ang nagpapatibok ng puso ko ngayon!


HINDI na itinatago nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria ang kanilang relasyon ngayon.

Wala na silang inililihim sa publiko, sa katunayan inamin na rin finally ng anak nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado na si Jodi ang dahilan kung bakit napakaligaya niya ngayon.

Mismong si Jolo ang nag-imbita kay Jodi sa naganap na fiesta sa Panapaan, Bacoor, Cavite noong Sabado kung saan barangay captain nga si Jolo, at dito nga ibinandera ng dalawa (sa harap ng mga CaviteƱo) ang kanilang pagmamahalan.

Sa ipinakitang ulat ng The Buzz nu’ng Linggo, talagang patok na patok ang paglabas nina Jolo at Jodi sa stage, hiyawan ang lahat nang punasan na ni Jolo ng pawis si Jodi habang nagpe-perform sa stage.

“Masasabi natin na si Jodi ang nagpapatibok sa puso ko,” pag-amin ng aktor kasabay ng pagsasabing na-meet na rin ng kanyang girlfriend ang lolo niyang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. na super fan din daw ng seryeng pinagbibidahan ni Jodi, ang Be Careful With My Heart sa ABS-CBN. Pero kung very open na si Jolo sa kanyang feelings kay Jodi, mukhang hindi pa talaga handa ang aktres na magpakatotoo.

Dahil nang hingan nga siya ng comment tungkol sa sinabi ni Jolo na siya ang nagpapatibok sa puso nito ngayon, ang tanging naisagot niya ay, “Di ko alam ang sasabihin ko.”

Well, siguro’y hindi pa talaga handa si Jodi na magsalita, hayaan na lang muna natin siyang manahimik.

No comments: